unang entry

eto nga pala ang una kong entry para sa “kakaibang blog” ko na ito. minsan kase gusto kong magpopopost nang kung anu-ano sa isa ko pang blog kaso nahihiya naman ako at baka mavasa ng mga relativity ko. Kaya eto ako ngayon, buti na lang at na-discovery channel ko na pwede pala ang ganitech (hi hi hi!)

sa trulalu lang, kaya naisipan ko na gumawa ng ganitech dahil nga sa mga gusto kong isulat tungkol sa other side ko na hindi ko maisulat sa other side ko… he he he! Wag mong asahan na puro “salitang bakla” ang makikita mo ditech, dahil sa totoo lang eh hindi naman ako talaga marunong nang ganun, pasingit-singit lang ba. Gusto ko rin kasing maisulat para lang me balik-balikan ako paglaki ko ha ha ha!

Ui walang okrayan ha! Dont wori, i will do my best para maging worth wasting ur time ang pag-visit niyo sa blog kong ito. Pramis, lahat nang katotohanan ibubunyag ko.

Mag-iwan ng Tugon