Imbak para sa Mayo 24, 2007

si Red ba o si King?

Posted in Uncategorized on Mayo 24, 2007 by Prinsipe ng Pangarap!

ginawa ko ang entry na ito dahil meron lang akong gustong ilabas na nasa loob ng puso ko. Punyeta! nito kasing mga nakaraang araw… puro na lang si King ang binibigyan ko ng pansin. Masyado na akong nalunod sa kumunoy niya. Naknampootahkteh naman! Hindi ko kasi mapigilan na matuwa at maging masaya lalo na if King is around me.

Ang malaking tanong? Sino ba talaga Kuya? Si Red ba o si King!

Malandi man ako, hindi ko na pag-iisipan pa ang isasagot ko sa tanong na yan! Ngayon ko pa lang dahan-dahang nakikilala si King, at alam ko na maganda na kaagad ang samahan namin. As in! Masaya ako kapag nakikipagkuwentuhan sa kanya at alam ko rin naman na enjoy siya na kausap ako. Alam ko na minsan sumosobra ang harot ko sa kanya na minsan nga ay nagiging OA na! Yung type na napapahiya na lang ako sa sarili ko at mapapansin kong nakakatawa na pala ang ginagawa ko. Alam kong sira ang first impression sakin ni King, masyado kasi akong lumandi sa kanya to the point na nakakasuka na ang kabadingan ko. Nasan na ang pamhinta effect? Baklang-bakla ako kapag kasama ko siya… hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang manahimik at magseryoso kapag kasama siya. Kailangan talaga na suntukin ko siya, kurutin, hawak-hawakan, asarin, landiin, amuy-amuyin, hipuan at malamang… pagpantasyahan. Nakakatawa pa na masyado ko siyang binibigyan ng atensiyon na nagiging TOPIC na siya ng buhay namin (pati ni P. Denz at Vanessa). Madali akong nakakapag-isip at hindi ko makalimutan ang mga pinag-uusapan at ginagawa namin na magkakasama na nasa level na naisusulat ko pa yon kinabukasan saka gagawa ng sunud-sunod na entries na ang topic ay siya. Halatang-halata na sa araw-araw, bawat nangyayari, naaalala ko, naiisip ko… at ipinagmamalaki ko sa lahat ng tao… mukha na tuloy akong GAGO!

Si Red… ilang araw na hindi ko nakikita, ni hindi ko naman hinahanap. Ni hindi nga pumapasok sa isip ko. Ni hindi ako kinikilig pag naaalala ko. Anak ng pusanggala naman! Iba pa rin si Red. Matagal ko na siyang kasama, saksi ako sa paglaki niya at pagkakaroon ng pamilya… magkasama kami sa lahat ng bagay! Masaya ako kapag kasama ko siya at alam ko rin na masaya siya kapag kasama niya ako. Hindi ako kailanman naging OA sa kanya… alam niya ang totoo at sanay siya na minsan ay sweet ako, at kadalasan seryoso. Madalas kami mag-away… pero that doesn’t mean na nababawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Nagkapamilya siya’t lahat-lahat pero nanatiling nakakabit ako sa buhay niya. Mahilig lang talaga siguro akong makipagharutan kaya madalas kapag wala siya… at may nakikita akong IBA (ung cute ha) nakakalimot ako…

Mahal na mahal na mahal na mahal ko si Red one million times…. Siya ang kasagutan sa kalungkutan ko at pangungulila, malayo man siya, malapit pa rin sa puso ko. Ipinaglaban ko siya noon! Ipaglalaban ko siya ngayon at patuloy na ipaglalaban habampanahon… yun ay kung ganundin siya, dahil ang makakapagpaalis lang sakin sa buhay niya… ay mismong siya lang at wala nang iba.

Close friend ang turing ko kay King, masarap kausap at kasama… wala nang iba pa. Nagagwapuhan ako sa kanya pero that doesn’t mean na mahal ko siya or crush ko siya. Mahal ko si Red, wala nang iba! Wag ka nang kumontra! Naknampootah nagdadrama eh!

NOTE:  sorry ha! medyo serious effect ako ngayon eh! aalis na kasi siya… totoo na!

King: cLoser u and i (part 4)

Posted in Uncategorized on Mayo 24, 2007 by Prinsipe ng Pangarap!

anak nang pohtahkteh, di na ba talaga matatapos ang Chronicles ni King dito sa blog ko he he he! halata tuloy na inlavavo na nga talaga ako sa wafung toh! pucha! here goes… pag-uwi ko galeng sa work, nakita ko sina Vanessa at King. halatang nag-aaway ang dalawa. umuwe si Vanessa na mejo praning or tulala. naglaba na lang si Chimi Vanessa while waiting for King to arrive. nang dumateng si King, kasalukuyan ko pang kausap si Red sa may pintuan. PUCHANESS! di ko tuloy malaman kung sino uunahin (hek hek hek!) nang umales si Red, gora na ko kay King. diretso siya sa Karerahan (NOTE: gambling Lord kame) nilapitan ko xa at nakipag-asaran ako. maya-maya naisipan na lang namen na mag-inuman sa roof ng bahay namen. sinabayan namen si Vanessa nang magsasampay na xa.

Sa bubong…
          habang busy si Vanessa sa pagsasampay, umupo naman kame ni King sa di-kalayuan at sinimulan ang isang masayang chikahan! Ikinuwento niya saken na lagpas 100 na ang naging girlfriends niya. As in naging 6 timer siya. Kilabot pala xa ng mga kolehiyala. Ma-erbog pala talaga ang wafu! Lahat daw kase ng naging girlfriend niya, nabongkang niya. LUFET! pero di ko naman masisisi ang mga girlash na eto kase kung ako naging girlaloo, malamang na nagbobongkangan kame ngayon at hindi nagkukuwentuhan nang ganitech! Ha ha ha! Landiiiiiiiii!

King:     kung nakita mo lang ako nung teenager ako. habulin talaga ako. (nagyayabang)
Cleo:     BAKIT? eh gwapo ka pa rin naman hanggang ngayon ah!
King:     MAS gwapo ako dati UNGAS!

kinalkal ko talaga ang buhay ng loko… MOMENT ko toh hallleeerrr! kailangan makilala ko xa nang buong-buo. nagpatuloy ang kwentuhan namen hanggang sa kung ilang taon xa nang makatira.

Cleo:     ilang taon ka unang nakatira?
King:     mga dose.
Cleo:     landi mo!

zempre ask ko rin xa kung sino at kung meron ba xang minahal sa lahat ng mga naging girlfriends niya or kung may anak na ba xa na im sure meron…

Cleo:     sa lahat ng naging girlfriend mo, sino pinakaminahal mo… ung as in na gusto mo talagang makasama forever?
King:     sa ngayon wala pa.
Cleo:     talaga? e si Vanessa?
King:     iba na kasi ung usapan kapag MAHAL na eh… sa ngayon di ko pa iniisip yung ganun.
Cleo:     ilantaon ka na ba?
King:     23
Cleo:     kelan mo balak manahimik sa buhay… i mean lumagay sa tahimik?
King:     basta di pa ngayon. yoko pa. papakasawa muna ako… ha ha ha!
Cleo:     malamang nagkaanak ka na!
King:     oo naman.
Cleo:     ilan?
King:     tatlo… puro panganay.
Cleo:     di mo ba sila namimiss???
King:     HINDI! bakit naman? e minsan ko lang naman sila nakita.
Cleo:     sabagay…

umikot nang umikot sa magdamagan ang kuwentuhan namen. natapos lang nang mamalayan nameng ubos na pala iniinom namen, kaya kailangan na magpahinga dahel si Vanessa ay halatang inaantok na rin.

sa kuwarto…
         tabi kame ni King sa higaan, napapagitnaan namen xa ni Vanessa. ni hindi ko xa hinawakan nang magdamag, baka kasi isipin niya pokpok ako at katawan niya lang ang gusto ko. ayokong isipin niya na nalilibugan ako sa kanya at notabelles niya lang ang gusto ko sa kanya. isa pa rin naman akong maria clara ha ha ha! nagising ako ng mga 9AM, napatingin ako kay King, niyakap ko xa. kiniliti ang batok, gumalaw sya. niyakap ko na lang. he he he! tsansingan everrrr! matagal akong nakayakap sa kanya hanggang sa nakatulog ako at muling nagising. ambango niya…. mga 10am lumabas na ako ng room, baka kasi balak nilang magbongkangan, tingin ko nakakaistorbo ako kaya, binigyan ko na sila ng space! mamaya na lang ulet.