umalis na or lumipat na ng bahay sina Red, at napakalayo… sabe niya kasi malapit na raw sila sa Market Market! ang layo kaya ng Bicutan Taguig… wala rin naman akong balak na sundan sila dun, Para saan pa ang pagsunod ko? para makigulo or gumawa ng gulo? NO THANKS! Okay na ako dito… kaso hindi pa rin mawawala yung pag-aalala ko na baka hindi na dumating si Red.
hindi ko na xa inabutan nung umalis sila. hanggang 11PM nga daw ay hinihintay niya ako, ang kaso nga… alas-dose na ako nakarating sa bahay.
dumating ang Saturday… hinintay ko si Red. Siyempre yun lang naman talaga ang araw na nagkikita kame… iniisip ko na PWEDE na sa araw na iyon kame magkita or darating sya. Pero sa isang banda iniisip ko na nagalit siya nang hindi ako dumating sa oras na pinag-usapan namen at tuluyan nang di na magbabalik. Super hintay to the highest level talaga ako…
1:00 PM – dapat nakikita ko na xa.
2:00 PM – wala pa rin…
3:00 PM – nawawalan na ako ng pag-asa…
6:00 PM – nagbabakasakali pa rin ako… pero la talaga.
9:00 PM – nakipag-inuman na ako ng todo… la na eh!
nakatulog ako na lasing na lasing at naluluha, kasi hindi na siya dumating… galit yata talaga.
SUNDAY: nagising ako nang maaga at nagpunta kaagad sa kuwarto nina Vanessa at King…
Vanessa: anjan si Red ah!
Cleo: di nga?
Vanessa: hinahanap ka nga sakin eh, sabe ko tulog ka pa!
Cleo: walang charutan ha! (sabay baba)
nakita ko siya na naglalaro ng baraha sa Crime Watch Headquarters… di naman ako makalapit at baka makita ako ng mga kamag-anak niya at magsumbong kay Matilda (hindi ako takot, yoko lang ng gulo). Maya-maya nakita ko na siya na papasok sa Karerahan. sumunod ako at saktong walang tao. nag-usap kame. nang bumaba ang kuya ko, nakita pa niya kame.
Red: di na kita nahintay. anong oras ka ba dumating?
Cleo: mga 11PM
Red: Ungas! e di naabutan pa kita… sabe ni P. Denz 12am ka na raw umuwi.
Cleo: oo nah! kala ko kasi niloloko mo lang ako na aalis ka eh.
Red: marame namamatay sa maling akala… o ano musta na?
Cleo: eto okay naman. musta na anak mo?
Red: okay naman.
Cleo: bat di ka dumating kahapon? hinihintay kita.
Red: marame pa kasi inaayos sa bahay eh.
Cleo: ganun ba? kelan ka babalik?
Red: sa Sabado… maaga tayo magkita.
Cleo: o sige.
nag-usap pa kame hanggang sa magpaalam na nga siya. bago siya umalis kiniss ko muna siya sa lips at niyakap nang napakahigpit na para bang hindi na kame magkakahiwalay. PUCHA! nagulat ako nang biglang lumitaw si P. Denz sa gilid. Kanina pa pala nanonood. Sabe niya nakita pa kame ng kuya ko. UNGAS! un pa! nagpaalam na rin ako kay Red saka ako dumiretso sa kuwarto nina King.
Wow mali! kasi kala ko di na talaga sya babalik he he he!


