da return op ABNER…

kahapon nalaman ko na dumateng ang ex-bestfriend ko na si ABNER… eniweiz, xa lang naman talaga ang itinuring kong bestfriend. at eto pa! hinahanap daw ako ng GAGEW! eh keber ko naman! Hindi na lang ako bumaba, hinayaan ko na lang xa mag-ikot-ikot doon. At eto na nga… hindi nakatiis ang pobre, pumanik pa samin… sakto naman na nanonood ako ng TV, huli! hahaha bumaba na lang ako… pero di pa rin naligo, di naman ako amoy-kilikili eh hahahaha! Mas nakakatawa kasi ang bati niya sakin:

Abner:   (pa-cute) bat di ka bumababa?
Cleo:     (mataray) la naman akong bababain na eh… umalis na si Red.
Abner:   GANUN? namiss kita eh!
Cleo:     ha ha ha! Wag ka magpatawa.
Abner:   di mo siguro ako na-miss?
Cleo:     (malamang! hindi) …
Abner:   ???
Cleo:     (umupo na lang)… musta na pamilya?
Abner:   okay naman. Bihis ka… pasyal tayo.
Cleo:     ha ha ha! lilibre moko?
Abner:   papapalit muna natin tong dollars ko… tapos nood tayo sine.
Cleo:     wag na lang pambili mo na lang yan ng gatas ng anak mo.
Abner:   to naman!
Cleo:     …..

PUCHA teka di ko na maalala yung iba pa naming pinag-usapan. Di naman kasi ako natutuwa hahahaha! Masama na ba ako? pootahkteh naman talaga oo. Biglang dumating yung bayaw niyang Punyetero na ma-epal din sa earth. Kaya magkasama na lang silang umalis dahil ayaw ko naman talagang maglalalakad. Hindi niya na rin siguro napansin na pinangangalandakan ko ang pangalan ni Red na si Red lang ang hinihintay ko. Kasi di naman siya  nagrereact.

Bayawak niya:   tara sama ka Cleo.
Cleo:     wag na kayo na lang… di pako naliligo.
Abner:   okay lang naman yan ah.
Cleo:     sayo okay sakin hindi… kayo na lang kasi.
Abner:   to naman ansungit.
Cleo:     sungit ba ko? sira.
Bayawak niya:   ayaw mo sumama samen samantalang ke Red ambilis mo.
Cleo:     pakelam mo???
Bayawak niya:   … (pahiya)
Abner:   sige bes (ano daw??? BES) sandali lang naman kami eh, hintayin mo na lang ako.
Cleo:     wag kayo magmadali, wala naman akong balak maghintay… (sabay alis)
Abner:   ????

Hindi naman siguro obvious na ala akong balak makipag-bolahan or makipagkuwentuhan sa kanya diba? eh siya naman talaga ang may kasalanan kung bakit naging COLD and BITTER-BITTERAN ako sa kanya. La rin naman akong balak manood ng sine… try ko maging sad kasi ala si Red. Hihintayin ko na lang susunod na balik ni Red saka kami manonood ng sine.

Mag-iwan ng Tugon