alam ko…
bilang isang bisexual na hindi pa nag-a-out, maraming mga bagay na hindi magawa. hindi naman ako ganoon kabakla na gustong magsuot ng damit-pambabae… ano ko siraulo? para ipangalandakan ang kabaklaan ko? ok sige aaminin ko, dumating sa panahon na nakapag-girl attire ako… but that was then at syempre walang ibang nakakakita at nakakasaksi kundi yung mga kaibigan ko na alam kung ano nga talaga ako. iba pa rin talaga ang feeling kapag naka-takong ka na 4 inches… walastik! sarap din ng feeling kapag nasasabihan kang “ui antambok ng pwet mo!” he he he!
hindi nararapat ang damit-pambabae saken… alam ko.
hindi na mabilang kung ilang beses na nagustuhan ko ang iba’t-ibang lalaki. Sarap kasi ng feeling lalo na kapag inaakbayan ka ng type mong boylet. di niya alam kinikilig na pati tumbong mo! What a feeling talaga! Priceless, lalo na kapag nakikipag-inuman ka sa barkada mong mga lalaki and then suddenly magpapakitaan ng notabelles… palakihan ba! ha ha ha! sarap ng feeling na napakadaling lapitan at yakapin or akbayan o makatabing matulog or magpahinga ng type mo na ang akala niya eh “friendly” lang o “walang malisya” pero para sa iyo… nag-wewet ka na! Potahness. sarap ng pakiramdam kapag nanalo kayo sa basketbol at kaw ang MVP or nakapagpanalo sa team at bubuhatin ka… halleluiahhhhhhh!
mapagkunwari kasi ako… alam ko.
siyempre masakit na makita mo ang “mahal” mo na nahuhumaling sa iba na hindi ka naman niya pinapansin, nagpapalakad sa iyo, nagpapasama na manligaw… iniiyakan ang mahal niya kasama ka… sabay kayong malalasing at makikita mo ang sakit na nararamdaman niya na parang sa iyo na rin. dumarating talaga ang panahon na niyayakap ka ng mahigpit ng “mahal” mo habang humahagulhol siya sa balikat mo… pero ang isinisigaw, hindi ang pangalan mo.
kaibigan lang ako… alam ko.
dumarating ang panahon na mapapamahal ka sa isang kaibigan… magiging bestfriends kayo hanggang sa maging special friends… ipagtatapat mo kung ano ka talaga. malalaman niya at matatanggap ka niya. may mangyayari sa inyo… pero para sa kanya kaibigan ka lang niya. mga malalamig na gabi na wala siyang kasama kundi ikaw… at magpapainit kayo… trip-trip lang pero tumatatak sa pagkatao mo. den magmamahal siya ng iba… mawawalan siya ng panahon sayo… nahuhumaling siya sa mahal niya. dumarating ang panahon na aaminin niyang napapamahal na siya sa iyo nang higit sa kaibigan pero hindi umaabot sa pagiging kabiyak.
lalaki siya at lalaki rin ako… alam ko….
pero bakit kinakailangan na mabuhay sa mapagkunwaring mundo ang isang kagaya ko? bakit kinakailangan na lokohin ang sarili na balang-araw o hindi darating ang panahon na maisasantabi ka dahil nadala ang “mahal” mo ng tawag ng kalikasan at naturalidad… na lalaki siya at ang lalaki ay para sa babae hindi para sa isa pang lalaki.
bakit nagkaroon pa ba ng bading, bakla, silahis, bisexual, homosexual, gay, tomboy, t-bird at kung anu-ano pang hindi lalaki at hindi rin babae. bakit kinakailangan na maging ganuon ang isang tao… na mararamdaman na lamang niya na babae siya… pero nasa katawan ng isang lalaki. bakit kinakailangan na GANUN? BAKIT?
echos lang… senti effect naman paminsan-minsan.
…. lakas ng ulan PUCHA parang magigiba tong opisina!