chakablog
nitong mga nakaraang araw… hindi ko matapus-tapos ang project ko sa team namin kasi i’m so busy bloghopping. as in andami kong nakitang malulufet na blogs na nakakatawa, may katuturan at talagang walastik sa design. etong saken na nga lang ata ang chakaness eh. wish ko lang pwede rin akong maglagay ng maraming-maraming pampaganda sa sidebar ko… like music (kasi songspot lang na puro di sikat na songs ang nakalagay) ang saken… la ako magawa, at least may music na ngayon tong kaharian ko. PUCHA! di gaya ng blogspot na tadtarin mo ng analog clock, videos, songs at kung anek-anek pa. dito maxadong limited, pero hintayin ko na lang siguro na maging mas maganda ang wordpress.com. di tuloy ako makapaglagay ng chatbox.
eniweiz…
ang cute ng mga napuntahan kong blogs… nagmukha tuloy cheapipay tong blog ko ha ha ha! tingnan nyo na lang sa blogroll ko. inggit na inggit na tuloy ako he he he! pero sabe nga naman nila “habang maiksi ang kumot, matutong mamaluktot!” wait ko lang na mabago ang system at madagdagan ng add-ons ang wordpress.
… teka back to work muna