Imbak para sa Hunyo, 2007

Sino Ba sa Kanila?

Posted in Uncategorized on Hunyo 27, 2007 by Prinsipe ng Pangarap!

sino

well… well… well!

ala ako sa wis na gumawa ng entry the past few days. ewan ko nga ba kung bakit. basta parang wala ako sa wisyo na magdadadakdak sa blog ko. so ngayon huwag mong aasahan na porke natagalan ang entry ko eh super ganda nito huh! here we go….

—–

dahil wala nga si Red sa buhay ko ngayon, sandamakmak na boylet naman ang napapansin ko. ayoko naman maglandi dahil nga ipinangako ko sa sarili ko na HULI na si Red na lalaki sa buhay ko… ang mga susunod ay mga gurls na. pero ang napakalaking PROBLEMA, may mga natatypan talaga ako lalo na ngayon na medyo kulang ako sa romansa he he he! ito ay ilan lamang sa mga umaaligid sa aking life sa ngayon.

— JEREMIAH —

dati na namen siyang kaibigan ni Red, kasama siya sa G4. Siya ang tinaguriang “babyface” ng grupo. siyempre feeling niya eh boy na boy ako pero ang hindi niya alam malisyoso akong tao. yung simpleng akbay may kahulugan na yun. takot siya sa bakla… naaalala ko pa nang sundan daw siya ng isang bading sa Isetann Recto, PUCHA tinakbuhan ba naman ng gago! sa tingin ko pa lang sa kaniya alam kong wala siyang ka-expe-experience sa gurls o sa gays. palaaral siya, masunuring anak atbp. totoy na totoy-looking pa! isa siya sa mga CLOSE DABARKADS ko na hindi ko napapansin lalo na at nasa tabi ko si RED! as in DEADMATOLOGY talaga! pero nitong nakaraan ay bumalik siya. oo nga at totoy ang fezlak niya pero iba na ang hubog ng shotawers ng loko. nagkaroon na ng mga masel-maselan at abs na feborit ko. at mukhang masarap talaga siya.

— RYU —

sa totoo lang ndi ko pa alam ang name nitong boylet na ito. pero ang gagang P. Denz, CLOSE na niya na meaning eh malapit na ring mapalapit sakin ang mokong. anyways, dati ko na siyang nakikita pero siyempre kahit ano pa ang hitzura niya eh DEADMATOLOGY pa rin ang drama ko dahil may RED naman ako sa buhay ko. Chinito siya at maputi, Lean ang katawan, yung mga TRIP ko… hindi malaki at hindi rin naman ganoon kapayat. so perfect ang body niya with matching 6-pack abs. sa totoo pa nga niyan ay nakuha ko na ang cel. number niya. Kailangan maging ka-CLOSE ko rin itong gagong to. May papa-potential kasi eh, minsan nga nakikita ko na siya sa panaginip ko at nakayakap sakin wa hek hek!

— FRANCE —

kabarkada siya ng kuya ko. taga-Valenzuela siya. Nung una kaming nagkita… nakita ko lamang siyang paparating and naka-titig sakin, nakipagtitigan naman ako pano ba naman eh cuteness siya. nagulat na lang ako nang tumabi sa upuan namen. ka-brod ko pala sa GANG. Namputsa tingin pa rin nang tingin sakin, nang tanungin ko yung isa pa naming dabarkads… SYEEET! eto pala ang sinasabi.

FRANCE:   tol bagong sali ba yan?
FRIEND:    GAGO! anong bagong sali eh matagal na yan! nauna pa satin.
FRANCE:   mukhang maangas ah. (maangas daw???)
FRIEND:    kapatid yan ng ace natin.
FRANCE:   ganun ba?
FRIEND:    kamayan mo.
FRANCE:   natatakot ako baka sapakin ako, mukhang masungit eh.
FRIEND:    tange mabait yan.
FRANCE:   next time na lang.

mukha ba naman akong siga para katakutan??? Potah naman! Kung alam lang sana niya na gusto ko siyang halikan at yakapin he he he!

— EMERSON —

ato ayos naman. kabarkada rin ng kuya ko at ka-brod ko din. BADTRIP na naman, pano ko siya maitatakas nang walang nakakapansin? syet ang hirap naman. hindi siya ganon ka-gwapo, may itsura pwede pa. pero yung katawan ayos na ayos sa akin. swak na swak sa panlasa at in fairness… ambango! isa pa ito sa mga na-shokot sakin dahil hindi nila alam ang tamang paggalang at pagbibigay-galang sa isang emperatris (joke lang!) sa isang nakataas na gang member. syet naman ang hirap naman ng ganun shungaerz talaga! pero naamoy ko na mabango siya ng kunwaring bubulungan ko siya about sa isang gurlilet ang di niya alam muntik ko na siyang mahalikan nang mabanguhan ako sa kanya.

—–

o ayan na ang mga boylet na pinagpipilian ko. siguro nga straight-seeker talaga ako. pero meron akong isang CRUSH… Syet elementarya ba ituh! Crush ko lang siya and i know na Bisexual siya. pero yung looks at kilos kasi niya mhin na mhin kaso pag nagsalita na badinggerzie na syete talaga. lam ko naman na hindi niya ako matatypan dahil baka kapwa ko mahal ko rin siya. eniweiz shinare ko lang ha he he he!

gusto ko nga rin sanang isama sa listahan na ito sina King at Abner engkaso TAKEN na sila. Si Abner eh baka pagsisihan ko sa huli dahil ex-bestfriend ko nga at si King naman ay sadista. mahilig kasing manuntok, manipa, mamingot. LECHE! ayoko namang maging battered wife… kay Vanessa na lang siya at sila na ang magbugbugan forever!

Pagbabalik ni Jeremiah

Posted in Uncategorized on Hunyo 25, 2007 by Prinsipe ng Pangarap!

Sabado, June 23, 2007… di ko akalain ang isang pangyayari nang bigla na lang pumanik ang Bayaw ni Abner dala ang anak niya at sinabi na nasa baba raw ang dati kong kaibigan at ka-G4 na si Jeremiah. Una hindi naman ako naniwala dahil matapo na dedma-dedmahin ko si Jeremiah dahil kasalukuyan akong napapraning noon kay Red eh alam ko na hindi niya na ako ulit babalikan.

Cleo:     di nga? anjan si Jeremiah?
BNA:     OO nga, bat naman kita lolokohin… hinahanap ka!
Cleo:     pag wala dyan sapak ka sakin!
BNA:     bahala ka tingnan mo pa.
Cleo:     basta pag wala SAPAK ha!

nang bumaba nga ako, sumalubong sa akin si Jeremiah, naka-school unifrom pa, halatang kagagaling pa lang niya sa eskuwelahan… 3rd year college na pala siya pero hindi pa rin nagbago ang mukha. Babyface dati ang tawag namin sa kanya dahil mukha nga palaging bata. Napakakulit pa niya noon, high school lang kasi siya noon. 1st year college siya nang lumipat sila sa Fairview. Maganda naman ang samahan namin although bihirang-bihira na talaga kami nagkikita dahil nga busy siya sa pag-aarala at ako naman kung walang pasok eh nakikipaglandian kay Red.

Cleo:         musta na? laki mo na ah… Namputsa yung mukha mo batang-bata pa rin.
Jeremiah:   siyempre naman he he. kaw musta na? asan si Red?
Cleo:         ala na siya… di na pumupunta.
Jeremiah:   sabi sakin nung kapatid niya tuwing sabado daw pinupuntahan ka nun eh.
Cleo:         noon yon. ngayon hindi na. sino nga pala pupuntahan mo? Tito o Tita mo?
Jeremiah:   IKAW!

matagal-tagal rin naman kaming nagkausap nang masinsinan, kumustahan, batian (ndi to bastos) may mga nagbago na rin sa kanya… tumangkad nang kaunti, pumuti, mas naging lean ang katawan at siyempre nagbinata. mas matanda siya kay Red pero tingin ko ngayon pa lamang siya nagbibinata. hindi ko na tinanong kung may girlfriend siya… malamang meron na. kinalkal namin ang mga photo albums kung saan nandun lahat ng mga pictures namin nung mga bata pa kami… nakakatawa kasi lahat ay may kuwento. matagal bago siya umuwi, madilim na saka ko siya hinatid sa sakayan… malayo pa ang biyahe niya. talagang dinaanan niya lang ako. Sa mga sandaling kasama ko ang bunso ng G4… siyet naman ang saya, medyo naiilang ako, hindi ko siya hinalikan or niyakap gaya ng dati, iba na kasi ang ngayon.sa susunod na Sabado, babalik siya…

at sa mga susunod na Sabado pa…

deadma ever!

Posted in Uncategorized on Hunyo 22, 2007 by Prinsipe ng Pangarap!

Matagal-tagal rin akong hindi nakapag-post… matagal tulog naghintay ang mga “imaginary friends” ko sa net! he he he! wish ko lang me makabasa nito he he he!

———-

ilang linggo nang hindi kami nagkikita ni Red, nung una xempre lungkot na lungkot ako, as in GRABE to the highest level ang kalungkutan ko… pero sa ngayon ang masasabi ko lang, okay na ako!

OKAY NA AKO! hindi ibig sabihin ay nakalimutan ko na si RED! Okay na ako dahil medyo natanggap ko na rin na hindi naman talaga tinupad ang pangako niya. Pero if ever naman na tuparin niya ang pangakong iyon… well, andito lang ako, kahit ano mangyari nandito lang ako. tutal marami-rami na rin naman akong “crushness” na nakakapagpalimot sa akin panandalian. Ngayon ko napatunayan sa sarili ko na hindi nga naman talaga ako pokpok! Bukod sa panghaharot kay KING, wala na akong ginawang kabulastugan the past few weeks na wala nga si RED! I mean hindi ako nakipag-flirt or nakipag-SEX. Syeeet naman!

Tinubos ko pa naman ang cellphone ko para lang maghintay sa text ni RED na hindi naman pala darating (he he he!) Pero okay na rin yun, at least nakuha ko na at nagkaroon ako ng libangan.

Sumali ako sa clan at bumuo ako ng sarili kong Texter’s Clan, para naman hindi ako ma-bore sa buhay ko, baka kasi maglaslas na naman ako ng aking wrist! POTAH! Marami-rami rin akong nakilala, at siyempre ipinagpatuloy ko rin ang pag-aaral ko ng Adobe Photoshop. Nakagawa na rin ako ng Weblog para sa clan na itinayo ko at ng isa pang baklang pasaway he he he! Ang nakakatuwa, wala isa man sa kanila ang nakakaalam na bisex ako. Pero in fairness, andaming bakla sa clan at walang tigil sa pangangarir ng mga otokong clanmate, anyweiz ang gaganda naman nila at ang hahaba ng mga hair dahil naging “asawa” naman nila ang mga otoko. In fairness, isa sa mga otoko eh wafuness (isa pa lang talaga nakikita ko” crush ko sana kaso nahihiya naman akong gumawa ng first move… tuloy ayun nakuha ng isang badinggerzie, nang tanungin ko naman si cute boylet… okay lang naman daw sa kanya kahit badinggerzie yun at willing pa xang makipag-meet… naknampootahkte naman! sana ako na lang! kaso lam mo na akalain ba naman ng otoko na yun na trip ko xa.

———-

kani-kanina, hindi pa ako naliligo, kasalukuyang nag-aayos ng kuwarto nang biglang dumating si ABNER! oo ang ex-bestfriend ko na nakalimutan ko na (bwa ha ha!) naka-porma… kukuha daw siya ng passport, natigilan pa nga ako nang pumasok sa kuwarto ko… LINTEK ang gwapo niya! Bat ba hindi ko napapansin ang bestfriend este ex-bestfriend ko na ito noon pa, sana mag-jowa kami ngayon at akin na akin sya. Well anyway, in fairness hindi ko siya dinedma. Nagkuwentuhan pa kami at nagtinginan sa mga OLD ALBUMS, para sariwain ang nakaraan… pero maya-maya ayun na, aalis na xa.

Cleo:     kukuha ka ng passport niyan, san banda daan mo?
Abner:   jan lang.
Cleo:     hintayin moko, sabay na tayo… maliligo lang ako.
Abner:   …
Cleo:     oi diba papunta ka sa taft… sabay na tayo.
Abner:   hindi.
Cleo:     saan ka pupunta nyan?
Abner:   uuwi na.
Cleo:     jan sa inyo. hintayin moko ha! sabay tayo lumabas.
Abner:   hindi jan, uwi nako sa bulakan.
Cleo:     ah ganun ba! sige.

O kitams ako tuloy ngayon ang natameme, na-isplak nya ako for the first time, nakaganti ang mokong nang hindi niya nalalaman. hindi niya talaga ako hinintay, hindi kagaya dati na talagang sasabay at sasabay siya sakin! So ano gagawin ko? eh di wala. Punyemaz.

kamustahin naman divah!

Posted in Uncategorized on Hunyo 18, 2007 by Prinsipe ng Pangarap!

question.jpg 

ilang araw din naman akong walang entry… pano ba naman tinatamad talaga akong mag-isip kaya etong entry ko ngayon ay kahit ano lang na maisip ko he he he!

nagtayo kami ng clan ni nakedheart (bakla) hindi nila alam na bisexual or discreet ako. sinabihan ko rin yung mga talagang nakakakilala sakin na ka-join sa clan na sikreto lang ang preference ko, naisip ko kasi na maghahanap na talaga ako ng girlfriend. eh pano ba naman… ala na ata talaga si Red, PUCHA siya! hindi niya naman tinupad yung pangako niya. ayoko namang gumawa ng paraan gaya ng pakikipagsabwatan kung kani-kanino para lang matunton ang kinalalagyan niya… hindi pa naman ako ganun ka-ABNORMAL. nung Sabado nga eh dumating yung mag-ina niya na si Matilda at si Raven Girl. Buti na lang at wala siya, malamang matadyakan ko siya. malaki na pala ang tiyan ng bruha… ipinangangalandakan na na bundat na naman siya.

nung makita ko anak nila, natuwa naman ako… niyakap at kinarga ko at pinaghahalikan ko… pero maya-maya ibinalik ko na kaagad sa nagbigay sakin, parang hindi ko na ganoon kagusto yung anak nila pero cute pa rin naman. in fairness tumaba at bumigat naman yung bata. isang beses ko lang kinarga… parang wala na. dati pa naman feeling ko anak ko rin siya he he he.

last week naka-chat ko yung isa ko pang dating kaibigan na SUPER-TAGO rin ng sexual preference niya. pinasadahan ko na siya kaagad hanggang sa ibulatlat na nga niya ang TUNAY na PAGKATAO niya. tuwang-tuwa nga raw siya na bisexual rin daw ako, sana daw noon ko pa sinabi para may masabihan naman siya ng mga hinanakit niya noon sa buhay gaya ng pagka-inlove niya sa bestfrend ko… OPO! bestfriend ko na si ABNER. Potahkteh he he he! Eniweiz la naman na ako pakialam kay ABNER. Mga “karanasan” niya kay ABNER at sa bayaw sa kuya ni ABNER na si IAN (hindi tunay na pangalan bata pa kasi) to the point na nagpapa-BONA na siya ha ha ha! naloka naman ako sa mga pinagsasasabi niya. ang haba nga ng chatting namin eh he he he!

—–

napapraning na rin ako porke natuto lang ako mag-PHOTOSHOP eh gawa na lang ako nang gawa he he he! PRACTICE MAKES PERFECT nga di ba!

—–

wala akong magawa nung weekends kaya nang makuha ko cellfone ko, jumoin agad ako ng clan… di pa ako nakuntento, nagtayo ako ng sarili kong clan bwa ha ha! at sahil nga sa boredom eh nag-flood ang name ko sa INBOX ng mga members… ang INGAY ko daw he he he! Tinadtad ko sila hanggang madaling-araw. meron na rin akong ginawang “website” nung CLAN na binuo ko. para mas malufet kami diba… wish ko lang magtagal.

—–

ilang linggo ko nang hinahanap yung BIRTH CERTIFICATE ko na inorder ko pa sa NSO, 300.00 pa naman yun ni hindi ko pa nga nagamit tapos ngayon hindi ko na makita, hindi tuloy ako makapag-open-open ng account sa BPI. paano ako yayaman niyan! pero balak ko nga na sa susunod na payday eh isaksak ko lahat ng sweldo ko sa i-oopen ko na account kasi malapit na nga naman ang b-day ko. baka hindi pa ako makapaghanda niyan eh.

—–

nung gumawa ako ng blog sa blogspot.com, chaka pala Potah, kala ko pa naman CHAKA ang wordpress, dabest pala ang wordpress.

search engine faker

Posted in Uncategorized on Hunyo 12, 2007 by Prinsipe ng Pangarap!

WARNING: kung nagse-search ka lang sa anumang search engine at napunta ka sa blog na ito, kalkalin mo muna bago ka gumetlag! tangina ka!

sa isa ko pang blog, marami nang nakaka-view basta ba i-search lang nila ang: macarthur, bobong libro, bob ong, pigsa, buhay, padre mariano gomez…. and so on.

PUCHA mas nagtataka tuloy ako na sa site na ito na puno naman ng mga magagandang kuwento eh hindi nakikita sa search engine. kaya mayron na ako ngayong sagot diyan bwa ha ha!

eto…

buhay
life
bakla
gay
homosexual
pamhinta
prinsesa
prinsipe
hari
reyna
puta
burat
puke
tamod
suso
kantot
kantutan
chupa
chupaan
tirahan
masarap
nakakabaliw
baliw
praning
bioggraphy
autobiography
pinoy
pinay
pilipino
pilipina
pinas
scandal
dennis trillo
mark herras
angel locsin
jennylyn mercado
richard guttierez
lupin
pilipinas
pinas
putakte
chaka
charot
chorva
diwata
fairy
dictionary
yahoo
friendster
blog
computer
nokia
salamin
kuwento
kalibugan
malibog

wala na nga ba?

Posted in Uncategorized on Hunyo 12, 2007 by Prinsipe ng Pangarap!

last na ba talaga

isa lang ang tanong sa isip ko sa ngayon… “wala na nga ba talaga si Red sa buhay ko?”

ako mismo, hindi ko masagot ang sarili kong katanungan na pilit na sumisira sa pag-iisip ko. hindi ako DUWAG na basta-basta na lang tatanggap ng pagkatalo. pero di ba, ang sabi nga nila… –if you love someone, set him free. sa totoo lang… okay na sa akin na hindi na nga talaga babalik pa sa buhay ko si Red. wala sa akin ang desisyon kung ipagpapatuloy pa ba namin ang kuwento naming dalawa. pwede nang lagyan ng –THE END– ang kuwento namin, hindi naman lahat ng kuwento nauuwi sa happily ever after.

hindi ito isang fairy tale, hindi rin isang pelikula… totoong buhay to! sa ayaw at sa gusto ko.

nagtataka ako…
napakarami namang iba diyan na maaari kong mahalin at maaari ring suklian ako ng pagmamahal. napakalaki ng mundo at bilyon-bilyon ang mga tao. isa lang siya sa mga mahahalagang taong dadaan sa buhay ko. tumatak man ang presensiya niya sa puso ko, kung wala na talaga… wala na!

kahit kailan, hindi ko siya inutusan na mahalin ako nang higit pa sa kaibigan… although iba na talaga ang turingan namin, meron ba namang magkaibigang nagse-sex LECHE! hindi kami magkaibigan, hindi rin mag-jowa, kapwa kami baliw na pilit itinama ang mali. sa huli isa-isa naming naramdaman na mali pala… ang kaso siya ang unang nakadama. ngayon lang naman to, siguro sa isang linggo na-overcome ko na ang FEAR na wala na nga talaga siya, at matatanggap ko na. pero sa ngayon… slight pa lang. nagtatanga-tangahan ako. naglalaro.

kung babalik siya… ngayon man, bukas, o kailanman… tatanggapin ko siya. parang walang nangyari. kahit may asawa na ako, kahit may mga anak na ako… kahit may iba nang mahalagang tao sa buhay ko. iba pa rin siya. minsan lang ako mangarap, kaya pakiramdam ko, nangyayari talaga ito.

sa kanyang pagbabalik, nandito pa rin ako… at kung hindi naman, nandito pa rin naman ako.

———-0———-

May 20, 2007SUNDAY

—ang huling pagkikita namin ni Red, ang huling yakap. ang huling halik.

P. Denz, Itaktak MO!

Posted in Uncategorized on Hunyo 12, 2007 by Prinsipe ng Pangarap!

pdenz

si P. Denz (bwa ha ha ha ha!)

kapag nakikita ko na itong taong ito… natatawa na ako.
hindi dahil sa mukha siyang clown, ewan ko basta lang natatawa ako.

masarap kausap, kasama at ka-duet sa kantahan.

sabi niya sa akin ako daw ang nagturo sa kanya ng kabaklaan. POTAH! di kaya, bata pa lang siya mahinhin to the highest level na itech.

kapag makikita mo siya sa kahit saan, at hindi mo siya kilala, malamang mapeke ka inday! mukha siya otoko de sho (lalaki) super… marami-rami na rin yang naka-relasyong bakla na mashoshonda, yun bang tipong sugar mommy. kapag nabiyongkang yan, super-kuwento kaagad iyan sakin. kapag bubooking naman or hahada ng boylet, todo-todo porma yan na boylet na boylet talaga. at pag-uwi nga niya, ayun na ipapaamoy na niya ang dala niyang panyo na ginamit na pamunas sa katas-china ng kapartner niya. bata pa yan 17 pa lang pero over na sa karanasan ang bruhaha! hindi kumpleto ang inuman kapag hindi siya magbibibirit ng “KAHIT KAILAN” na pipilitin niyang maabot ang highest notes para matawag lang na SINGER.

kaso mayabang yang damongklas na yan. mahilig yan sumayaw ng “ITAKTAK MO!” at talagang magtatataktak talaga siya para lang masabing malambot ang katawan niya. mahilig din siyang mang-OKRAY ng kahit na anong uri ng nilalang basta imbiyerna siya. minsan kapag naglalakad kami ang pastime namin eh pagbibilang ng masasalubong na chaka (ha ha ha!) at magkakatinginan na lang kami kapag viola na ang nakikita namin to the point na makakalimutan na namin ang binibilang naming viola.

mahilig din siyang makipagsabayan sa “AGOS NG BUHAY”.

Vanessa: charotera

Posted in Uncategorized on Hunyo 9, 2007 by Prinsipe ng Pangarap!

king and vanessa

masyado na ba kayong curios about VANESSA???

eto na! eto na!

mula sa bundok ng Serra Madre…
ang nag-iisa…
walang katulad…
walang kapalit…

ang aking kaibigang si Vanessa at ang boyfriend niyang si King.
sabi ko naman sa inyo eh… ilalagay ko na sila isa-isa :-)

NOTE: ang entry na ito ay para lang ipakita ang fezlak ng pinakamahabang hair sa buong Recto (ha ha ha!)
na si Vanessa.

o ayan Vanessa nilagay ko na pati yung mga evidence na mag-bf nga talaga kayo ni King, baka kasi walang maniwala eh bwa ha ha! (joke lang)

Kaunting Pagsilip sa Pang-Araw-Araw na Buhay nina Vanessa at King:

1.) para silang mga abnormal, nag-aasaran tapos kapag nagkapikunan, mag-aamuhan… punyeta BADTRIP!

2.) mahilig si King na nilalaplap nang walang pakundangan si Vanessa bago siya sumunod sa anumang ipinag-uutos nito gaya kunwari ng pagsasampay at paglalaba.

3.) palagi silang nag-aaway dahil sa kuya ni Red na si Joross (di-tunay na pangalan)

4.) mahilig uminom si King… lalo na Red Horse.

5.) palaging humihingi ng malamig na tubig si King.

6.) kapag nag-aaway sila nagsusuntukan at nagtatadyakan sila.

7.) minsan panty na ni Vanessa ang isinusuot ni King (pati ba ituh!)

8.) mahilig si King sa video karera, karerang totoo at baraha.

9.) sadista si King… nanununtok, namamato at naninipa.

10.) laitera si Vanessa.

o ayan na may CLUE na kayo kung ano ba talaga ang nangyayari sa aming lahat kapag magkakasama kami ha!

king: violanez

Posted in Uncategorized on Hunyo 9, 2007 by Prinsipe ng Pangarap!

king

kani-kanina lang ay ka-chat ko si Vanessa, ang dakilang julalay (joke lang) este dakilang girlfriend ni King. kagabi pa daw nila ako hinintay dahil sa wala lang… potah! anyweiz, isa-isa ko na rin namang ni-rereveal ang characters ng aking falacio kaya siyempre kailangan nanjan din si King.

Pasensiyahan na lang kasi eto yung mga dati niyang mga pictures siguro two years ago na ito… mas malufet na ang ka-wafuhan (ECHOZ… baka lumaki na namang ang ulo) ni King sa ngayon. Don’t you worry dear readers… kapag na-getlag ko na ang aking celphone, malamng tadtarin ko kayo ng mga recent photos ni King. bibigyan ko pa kayo ng mga candid shots na malamang na tumulo ang mga laway niyo ha ha ha! (OA naman nun)

So mag-reready na ako para makauwi na at matulog sa bahay… sakit ng katawan ko sa swimming eh!

walang tulugan

Posted in Uncategorized on Hunyo 9, 2007 by Prinsipe ng Pangarap!

walang tulugan mode ako mula kagabi hanggang kanina. ewan ko nga ba kung ano ba ang pumasok sa isip ko kagabi. nag-internet ako nang nag-internet, gumawa ng entry dito sa blog with matching photoshop images. malamang nangalkal rin ako ng porn he he he! kasama ko naman si Jhoza (ang dalaginding na boylet) at ang aking dating enemy na si Raul (Remember… si Raul oh!, tange si Rayan ha ha ha!) wala kaming kapaguran kahit na mahapdi na ang mga mata namin. nang mag 3am na, napag-isip-isip namin na wala namang kwenta na ang pinaggagagawa namin. kami na lang pala ni Jhoza ang natira… sumuko si Raul.

saka namin naisipang mag-swimming

yung office namin, may swimming pool na kidney-shaped kaya binuksan namin ang mga spotlight sa pool at nagsiligo na. walang katapusang tawanan at paglangoy ang ginawa namin to the point na kulang na lang eh sa tubig na kami tumira at maging mga sirena at siyempre siyokoy si Raul. nagkatakutan pa kami nang matindi. duwagers pala talaga si Jhoza, sabagay anlalaki kasi ng puno sa paligid ng pool at historical talaga ang itsura ng bahay. natakot ako slight lang pero hindi ko pinahalata baka takutin pa kami ng siyokoy na si Raul, mapapatay ko talaga to! ilang calories din ng fats ang na-burn ko kakalangoy. isang pitsel din malamang ang nainom kong pool water yuckee talaga! ang ingay pa ng mga aso na sina Sophie at Rambo.

napagtripan naman namin ang mga aso

napansin ko na anlalaki na rin pala ng mga bulldog ng boss ko. dati tutang-tuta lang sila, ngayon mukhang kaya na akong itulak sa pool ng mga ungas. tahol or kahol sila ng kahol (ano ba tama? tahol o kahol?) maliwanang na rin naman kaya naisipan naming paliguan sila… wow tapang he he he! na-assure naman kami ni Raul na hindi naman nangangagat ang mga aso. mga isang oras din sigurong nagsisisigaw kami ng “Rambo SIT! SIIIIIIIIIT!” yung talagang malakas na malamang na dinig sa Guard House na isang kilometro ang layo. siyempre di namin muna mahawakan malay mo yung pag-sit niya na yun plastikan lang pala at bigla kaming sakmalin sa kamay. Hanggang sa kinaya ng lakas ng loob namin na hawakan siya sa ulo at buksan na ang gripo. PUCHA ni hindi nagkakawag BEHAVED talaga. dapat di na nga kami natakot. natapos naming paliguan ang aso ng mga 2 hours, siyempre isa-isa at saka ayaw nga naming hawakan yung burat at pukelya nila LECHE kadiri kaya! after what seems like forever… FRIENDS na kami at binubuhat-buhat ko na sila kahit na super-bigat naman talaga nila.

pinakain namin sila at saka namin sila ikinulong ulit. naligo na kami at saka kumain ng breakfast. nang humiga na kami biglang nagising si Rosanna (boobaness na sisteraka ng boss ko at pinsan naman ni Jhoza) at nagkuwento. okay naman yung kuwento kaso antok na antok na ako. pinipilit ko idilat ang mga mata ko at sagutin ang mga sinasabi niya. he he he! kuwento pa rin siya ng kuwento in fairness nakikinig ako sa abot ng aking makakaya pero maya-maya la na pag-asa nakatulog na ako at nagising nga ng 1PM para mag-internet.