Imbak para sa Hunyo 4, 2007

kailan kaya?

Posted in Uncategorized on Hunyo 4, 2007 by Prinsipe ng Pangarap!

redmosaic

Sabado, 10am pa lang gising na ako naalala ko kasi ang sinabi ni Red nung Linggo.

Cleo:   kelan ka ulit pupunta?
Red:    sa Sabado… maaga.
Cleo:   di nga? baka maghintay naman ako niyan?
Red:    oo nga, siguro tapos na ang mga ginagawa namin sa bahay nun!
Cleo:   wish ko lang.

Hindi ako umasa na darating nga siya… pero nagbakasakali ako na baka nga pumunta siya. Naghintay ako nang naghintay hanggang 1pm pero hindi siya dumating. Ilang beses ko pang tinanong yung pinsan niya or yung iba pa naming mga kaibigan kung nakita ba siya… kaso wala talaga. naisip ko na lang na baka hindi pa nga tapos yung ginagawa nila… kalilipat lang kasi nila.

nakakalungkot pala talaga. ngayon na hindi siya dumating sa usapan namin, hindi ko na alam kung kelan kaya siya makakapunta para dalawin ako. ang wish ko sana kahit sa birthday ko na lang, ayos na rin yun. sinabi ng pinsan niya na hindi pa rin daw dumarating ang ate niya kaya lalong tumibay sa isip ko na baka nga marami pa rin silang ginagawa doon.

nakakalungkot….

PUCHA naman bat ko ba siya namimiss…

pinillit kong maging masaya at busy sa ibang bagay gaya ng pakikipagharutan kina Vanessa, King at P. Denz, kaso ligwak… kita pa rin sa akin na nalulungkot ako. haaayyyy buhay! bakit ba naman kasi kinakailangan na umalis pa siya at magpakalayu-layo, di ko tuloy alam kung ano na ang nangyayari sa gago.

(kasalukuyan ako ngayong umiinom ng kape… nagtataka lang ako kung bakit kaya lasang hipon tong kape ko?)

wag niyong okrayin yang photo mosaic ko ni Red, ilang beses na namatay ang PC ko at inulit-ulit ko yan, di yata kinakaya ng PC ko ang photoshop. pero may bagay naman akong natutunan sa paggawa ko niya… “matutong mag-save!”.

oo alam ko hindi naman siya gwapo talaga. bakit pag ikaw ba mahal mo kailangan gwapo para tawagin mong gwapo… eh nagaguwapuhan ako sa Ugok na yan eh… he he he! wala namang okrayan. binabalak ko na ngang pagsamahin ang isa ko pang blog at ang prinses cleo, kaso siyempre nagdadalawang-isip pa rin naman ako.

pano ko kaya hihintayin si RED nang hindi ako nalulungkot… positive thinking na lang siguro. kaso nga naman kelan kaya or babalik pa kaya siya??? kung hindi na siya babalik… magbabago na ako! as in, pinangako ko rin naman sa sarili ko na si RED na ang huling lalaki sa buhay ko… pagkatapos niya wala na! mambababae na lang talaga ako. siguro mas maganda nga kung di na nga talaga siya babalik, para maitama ko ang mga pagkakamaling nagawa ko. Shit! bat ba ako nailab sa gagong to!

kung gusto niyo nga palang makita ang pics naming dalawa together… comment ka lang dito! he he he!
balak ko kasing ilabas yung mga pics namin dito. eh ano naman ngayon kung makita niya, pumayag na naman siya eh!

well by the way… another walang kwentang entry na naman po para sa inyong lahat!

maghihintay na lang ako dito!