Imbak para sa Hunyo 8, 2007

Matilda: WAR

Posted in Uncategorized on Hunyo 8, 2007 by Prinsipe ng Pangarap!

matilda

sa wakas meron na naman akong magandang subject para sa isang HATE ENTRY. isa siyang perfect na subject bwa ha ha! nadedemonyo na naman tuloy ako ha ha ha!

Ipinapakita ko lang naman dito ang mukha ng pinakaayaw kong tao. walang iba kundi si…

MATILDA

Ilang beses na kaming nagpang-abot ng babaeng ito.

Noong nagwowork pa ako sa Makati, palagi kong pinupuntahan si Red sa tambayan nila para makita lang or para may kasabay akong umuwi. Kasalukuyang nililigawan noon ni Red si Ligaya (di-tunay na pangalan) Una sa lahat maganda si Ligaya (as in maganda talaga) pero binasted niya si Red kaya nabaling ang paningin ni Red sa may crush sa kanya na si Matilda (isang avid fan) tomboy-tomboyan pa noon ang drama nito. Malaki ang boses (bungangera) mahilig maki-join sa mga boylet, parang lalaki kumilos at talagang matapang at palaban.

Kinilala niya ako noong ligawan siya ni Red at sinagot naman niya agad (moment niya eh) itinatanong pa saken ni Red noon kung okay lang… siyempre okay lang, lalaki si Red at kailangan ng babae. naging mag-bestfriend kami ni Matilda, minsan iniiwanan na kami ni Red na magkasama at nagkukuwentuhan. Nakilala niya nang lubusan si Red dahil sakin… nakilala niya ang lahat ng mga naging girlfriend ni Red dahil sakin. Textmates din kami, kitikitext din kasi siya.

Isang beses natulog siya sa bahay namin kasama kami ni Red (wala pang nangyayari sa kanila) pero nung gabi na… ehem! me nangyari samin (as in ako at si Red) na nakita naman ni Matilda. Deadma-deadmahan pa siya noon, kaso nakita niya ang “kissmark” ni Red sa leeg na nagpainit talaga ng dugo niya.

“THIS IS WAR!”

Sinabi sakin ni Red na inamin niya na raw kay Matilda kung ano ba talaga kami, at kung ano ba talaga ako, dahil nga sa marami nang ebidensiya si Matilda. Huwag na rin daw akong magtitiwala at makikisama kay Matilda dahil paplastikin lang daw ako nun.

1st Encounter:
     pauwi ako sa bahay, nakasalubong ko sina Red, Matilda at iba pa nilang ka-tropa na palabas ng kanto at masasalubong ko. binangga ko si Matilda ng ubod ng lakas. nagsumbong siya kay Red pero pinagsabihan ako ni Red na huwag naman daw akong ganun.

2nd Encounter:
     nag-iinuman ang tropa nina Red at Matilda nang dumating ako, lasing na si Matilda kaya tinabihan niya ako nang maupo ako. “galit ka ba sakin?” sabi niya. hindi ako nagsalita. “bat moko binangga sa kanto?” sabi niya ulit. “kelan naman?” sabi ko. “nung isang linggo!” sabi niya. “hindi ko matandaan” ang sabi ko. “kunyari ka pa!” ang sabi niya. “baka hindi lang kita napansin, pakalat-kalat ka kasi sa daan” ang sabi ko sabay alis.

3rd Encounter:
     nag-break sila ni Red. nagagalit siya dahil bakit daw ba kinakausap pa ako ni Red samantalang pinalalayo niya na raw si Red sakin, ayon yon kay Red may nangyari na raw sa kanila. Tinext ko agad si Matilda ng “kala ko pa naman iba ka, natatawa ako sayo ha ha ha!”. Maya-maya bumalik siya. “Hoy! wag mokong iinsultuhin ha!” sabi niya, kasalukuyan pang nasa loob ng kuwarto ko si Red nang dumating siya. tinulak-tulak niya ako. “kakausapin kita!” sabi niya. pinipigilan pa rin siya ni Red dahil nag-eeskandalo na nga siya. Nang mabanas ako kakatalak niya at kakatulak, itinulak ko rin siya, “hindi moko kilala, wag ka maggagaganyan sakin” ang sabi ko. “teka hintayin moko, kakausapin kita… tayong dalawa lang ha! hindi kasama si Red” sabi ko ulit. “oo ba” sabay alis na kami. pumunta kami sa sakayan ng jeep, nag-usap kami ng masinsinan tapos umalis na siya.

4th Encounter:
     pinagbigyan ko si Red sa mga gusto niya. gaya nang pinatutulog ko si Matilda sa kuwarto ko nang hindi siya kasama, makipagplastikan na lang daw ako at mangako na hindi ko na sasaktan. okay naman sakin. doon ko na nalaman na buntis na nga si Matilda ng two months. kinausap ko si Red sa malayo. hindi ko alam na naririnig na pala kami ni Matilda.

Cleo:     o ayan buntis na. ayoko na makigulo. ano gusto mo ba tapusin na natin ito?
Red:      ayoko!
Cleo:     anong ayaw mo? magkakaanak ka na Red, magkanya-kanya na tayo.
Red:      kapag sinabi ko na ayoko… AYOKO!

biglang lumitas si Matilda na sinundan pala kami ni Red.

Matilda:  ANO? ikaw pala ang ayaw! matagal na kitang pinalalayo sabi mo ayaw niya pero ikaw pala ang umaayaw-ayaw pa! (sabay tinadtad ng sampal si Red) walanghiya ka! niloloko mo lang pala ako!
Red:      yung bata… ingatan mo naman! (sabay awat kay Matilda)
Matilda:  ang kapal ng mukha mo! (tadtad na naman ng sampal si Red)

hinayaan ko lang sila sa ganoong sitwasyon. bumalik sila sa kuwarto ko dahil kukunin ni Matilda yung mga gamit niya.

Matilda:  magsama kayong dalawa.
Cleo:      pag-usapan natin ito ng maayos.
Matilda:  anong usap-usap! magsama kayo!

hinarangan at isinara ko ang pintuan. hindi ko sila hinayaang lumabas. nagwawala na rin talaga kasi si Matilda. Kakatulak niya sakin. Syempre nabanas naman ako sa kanya kaya sinampal ko siya, PUCHA lalo namang nagwala… super-awat naman ni Red (in fairness di siya nagalit sakin).

5th Encounter:
     nag-away kami ni Red kaya kinuha ko yung tsinelas niya para hindi siya makaalis. maya-maya dumating si Matilda. bigla ba namang dire-diretsong papasok sa kuwarto ko. pinigilan ko siya. pero nagpupumilit pa rin, kukunin niya raw ang tsinelas ni Red. sa sobrang asar ko dahil daldal na siya nang daldal at nagpupumilit talagang pumasok… Naknampootahkte sinapak ko nga! ayun nagwala at nag-eskandalo talaga. lumabas si Red. inawat kami. nakakatawa dahil isinusumbong na ni Matilda na sinapak ko siya pero deadma lang si Red. sa sobrang tindi ng komosyon. naglabasan na ang mga tao. pati nanay at ate ni Red. namura ko pa nga ang nanay ni Red dahil kinampihan si Matilda. yun na isinalaysay na ni Matilda sa buong pamilya ni Red kung ano talaga kami ni Red at pati na ang mga nalalaman niya. pero kami ni Red, nag-usap naman kinabukasan.

ha ha ha! yun na ang katapusan ng ENCOUNTER namin ni Matilda… sa susunod, kuwento ko naman yung mga MOMENTS na nahuli niya kami ni Red na palihim na nagkikita.

abner isa ka nang kahapon.

Posted in Uncategorized on Hunyo 8, 2007 by Prinsipe ng Pangarap!

abner

tutal inapload ko na rin naman ang pix ni Red, bat di ko pa i-upload ang pic naman ni Abner…

sorry nga pala dahil wala akong mahalungkat na magandang pix ni Abner, yan na kasi yung mga luma niyang pix sakin. basta ang masasabi ko, hawig niya si Patrick Garcia sa personal he he he!

kagabi lang nagbitter-bitteran na naman ako…

Bayaw ni Abner:  hindi na dumating si Abner, sabi niya darating siya.
Cleo:                  bat naman siya pupunta? me lakad ba kayo…
Bayaw ni Abner:  wala naman. sabi niya lang kasi pupunta siya.
Cleo:                  ah ganun ba, bat sinasabi mo sakin yan!
Bayaw ni Abner:  anlaki na ng pinagbago mo kay Abner ah!
Cleo:                  alin?
Bayaw ni Abner:  di mo na kaya siya sinasamahan pag nandito siya.
Cleo:                  eh ano naman?
Bayaw ni Abner:  nakakapanibago kasi dati lagi kayong magkasama?
Cleo:                  lam mo tol, may mga bagay na ibinabaon na lang sa limot… gaya ng samahan.
Bayaw ni Abner:  ganun? sobra ka naman, dapat nga yun ang hindi nakakalimutan, yung magandang samahan.
Cleo:                  (pilit binago ang usapan) nakita mo ba si P. Denz?
Bayaw ni Abner:  nakita ko yung pagsasama niyo dati, nakakainggit nga kayo eh.
Cleo:                  nakakabanas si King, nagyayaya na naman uminom.
Bayaw ni Abner:  wag mo baguhin ang usapan.
Cleo:                  ??? pwede ba? may mas importanteng pag-usapan kesa diyan.
Bayaw ni Abner:  nakakalungkot kasi na nasira yung pagkakaibigan niyo dahil sa walang-kwentang bagay.
Cleo:                  ano ba alam mo? (sabay alis)

natameme tuloy sa kinatatayuan niya si Bayaw ni Abner. Eh PUCHA naman ano ba problema niya? LECHE!

shingha pang-asar!

Posted in Uncategorized on Hunyo 8, 2007 by Prinsipe ng Pangarap!

namimiss ko na talaga si Red, kahit ano pa ang ginagawa ko… pag pumasok na siya sa isip ko natatameme ako. PUCHA! bakit ba naman kasi ni hindi pa nagpaparamdam ang KUMAG! Kabanassss!!! Marami na ngang nakakapansin na hindi na rin ako tumatambay or lumalabas ng bahay lalo na kung wala namang magandang rason like magpapaload or may bibilhin lang. Kung lalabas naman ako ng bahay sigurado magsesenti-sentihan lang ako at maglalakad nang wala namang tiyak na patutunguhan.

pinipilit ko namang kalimutan siya eh… di ko pa lang siguro talaga kaya as of this moment! kapag naiisip ko siya, may iniisip ko yung hindi magagandang pangyayari kasama siya or yung mga kinaiinisan ko sa kanya para hindi ko siya mamiss… kung minsan naman ang itinatatak ko sa isip ko, marami pa namang iba diyan, mas matitindi pa nga sa kanya, kaso ang problema… hindi ko mahal! Nyeta! Kakabadtrip talaga.

nakatext ko si Shingha (hindi tunay na pangalan malamang) tapos napag-usapan namin si Red…

ang takbo ng text…

Shingha:   o ano musta na… paramdam ka naman!
Cleo:        hu u?
Shingha:   si _____ to gagsti! Yabang mo naman!
Cleo:        _____ Shingha?
Shingha:   OO! sino pa ba?
Cleo:        sira kasi cel ko eh, iba tong gamit kong fone, la akong number mo. buti nagtext ka… o ano musta na?
Shingha:   ayos naman! kaw musta!
Cleo:        eto… ayos naman, masaya :-)
Shingha:   a ganun ba ako din ayos lang!

makalipas ang mahabang katahimikan sa texting…

Shingha:   nagtext sakin si Red ah! punta ako sa kanila eh… sama ka?
Cleo:        (biglang nalungkot) bakit kayo magkikita? sige kayo na lang. nakapunta ka na ba sa kanila?
Shingha:   hindi pa… kita kami sa Robinson tapos punta kami sa kanila…
Cleo:        ah ganun ba. kamusta mo na lang ako sa kanya… pakisabi txt naman siya saken.
Shingha:   ok.
Cleo:        kapag nagkita kayo sabihin mo naman sa kanya… miss ko na siya at saka palagi ko siyang hinihintay :-(
Shingha:   ka-lungkot naman :-(
Cleo:        buti pa sayo nagtext sakin nga hindi eh. kabisado niya naman number ko.

Cleo:        kelan kayo magkikita?
Shingha:   :-) gusto niya sumama!
Cleo:        tange ayoko baka nandun pa si Matilda pag nagkita kayo, basta pakisabi na lang ha! maghihintay ako kahit gaano katagal…
Shingha:   ok.
Cleo:        tnx ha! wag mo kalimutan yung pinapasabi ko :-(
Shingha:   ok :-)

ayun na nasimulan na pagka-PRANING ko… to the point na gusto kong manggulpi! PUCHA bat kay Shingha nakakatext siya! LECHE talaga… tinext ko pa ng ilang beses si Shingha, niyaya ko pa siyang uminom pero nasa Paranaque pala siya, sa stepfather niya. Ilang beses ko ring tinext na NAPAPRANING NAKO! in Bold and Capital Letters para dagdag sa effect!

at sa huli nga…

Cleo:        NAPAPRANING AKO!!!
Shingha:   bakit naman?
Cleo:        bat di siya nagtetext sakin TANGINA NIYA!
Shingha:   oi joke lang yun, hindi talaga siya nagtext sakin! ginugudtaym lang kita! Bat naman siya magtetext sakin at bat naman ako papupuntahin non dahil lang sa damit niya?




Cleo:        Potah! napaniwala moko dun ah! Tangina Praning na Praning pa naman na ako!
Shingha:   kaw talaga! di mo pa ba kilala si Red? at di mo pa rin ba ako kilala?
Cleo:        Tangina mo ka! Kamuntik nako maglaslas na naman ah!
Shingha:   Tange! wag kang ganyan Cleo… babalik yun wag ka mag-alala…

Shingha:   babalik yun! para namang hindi mo pa siya kilala!
Cleo:        eh tangina mo pala talaga eh…
Shingha:   sorry.

FALSE ALARM pala… muntik ko na ngang talunin yung apat na palapag na bahay namin eh. LECHE!