walang tulugan

walang tulugan mode ako mula kagabi hanggang kanina. ewan ko nga ba kung ano ba ang pumasok sa isip ko kagabi. nag-internet ako nang nag-internet, gumawa ng entry dito sa blog with matching photoshop images. malamang nangalkal rin ako ng porn he he he! kasama ko naman si Jhoza (ang dalaginding na boylet) at ang aking dating enemy na si Raul (Remember… si Raul oh!, tange si Rayan ha ha ha!) wala kaming kapaguran kahit na mahapdi na ang mga mata namin. nang mag 3am na, napag-isip-isip namin na wala namang kwenta na ang pinaggagagawa namin. kami na lang pala ni Jhoza ang natira… sumuko si Raul.

saka namin naisipang mag-swimming

yung office namin, may swimming pool na kidney-shaped kaya binuksan namin ang mga spotlight sa pool at nagsiligo na. walang katapusang tawanan at paglangoy ang ginawa namin to the point na kulang na lang eh sa tubig na kami tumira at maging mga sirena at siyempre siyokoy si Raul. nagkatakutan pa kami nang matindi. duwagers pala talaga si Jhoza, sabagay anlalaki kasi ng puno sa paligid ng pool at historical talaga ang itsura ng bahay. natakot ako slight lang pero hindi ko pinahalata baka takutin pa kami ng siyokoy na si Raul, mapapatay ko talaga to! ilang calories din ng fats ang na-burn ko kakalangoy. isang pitsel din malamang ang nainom kong pool water yuckee talaga! ang ingay pa ng mga aso na sina Sophie at Rambo.

napagtripan naman namin ang mga aso

napansin ko na anlalaki na rin pala ng mga bulldog ng boss ko. dati tutang-tuta lang sila, ngayon mukhang kaya na akong itulak sa pool ng mga ungas. tahol or kahol sila ng kahol (ano ba tama? tahol o kahol?) maliwanang na rin naman kaya naisipan naming paliguan sila… wow tapang he he he! na-assure naman kami ni Raul na hindi naman nangangagat ang mga aso. mga isang oras din sigurong nagsisisigaw kami ng “Rambo SIT! SIIIIIIIIIT!” yung talagang malakas na malamang na dinig sa Guard House na isang kilometro ang layo. siyempre di namin muna mahawakan malay mo yung pag-sit niya na yun plastikan lang pala at bigla kaming sakmalin sa kamay. Hanggang sa kinaya ng lakas ng loob namin na hawakan siya sa ulo at buksan na ang gripo. PUCHA ni hindi nagkakawag BEHAVED talaga. dapat di na nga kami natakot. natapos naming paliguan ang aso ng mga 2 hours, siyempre isa-isa at saka ayaw nga naming hawakan yung burat at pukelya nila LECHE kadiri kaya! after what seems like forever… FRIENDS na kami at binubuhat-buhat ko na sila kahit na super-bigat naman talaga nila.

pinakain namin sila at saka namin sila ikinulong ulit. naligo na kami at saka kumain ng breakfast. nang humiga na kami biglang nagising si Rosanna (boobaness na sisteraka ng boss ko at pinsan naman ni Jhoza) at nagkuwento. okay naman yung kuwento kaso antok na antok na ako. pinipilit ko idilat ang mga mata ko at sagutin ang mga sinasabi niya. he he he! kuwento pa rin siya ng kuwento in fairness nakikinig ako sa abot ng aking makakaya pero maya-maya la na pag-asa nakatulog na ako at nagising nga ng 1PM para mag-internet.

Mag-iwan ng Tugon