
isa lang ang tanong sa isip ko sa ngayon… “wala na nga ba talaga si Red sa buhay ko?”
ako mismo, hindi ko masagot ang sarili kong katanungan na pilit na sumisira sa pag-iisip ko. hindi ako DUWAG na basta-basta na lang tatanggap ng pagkatalo. pero di ba, ang sabi nga nila… –if you love someone, set him free. sa totoo lang… okay na sa akin na hindi na nga talaga babalik pa sa buhay ko si Red. wala sa akin ang desisyon kung ipagpapatuloy pa ba namin ang kuwento naming dalawa. pwede nang lagyan ng –THE END– ang kuwento namin, hindi naman lahat ng kuwento nauuwi sa happily ever after.
hindi ito isang fairy tale, hindi rin isang pelikula… totoong buhay to! sa ayaw at sa gusto ko.
nagtataka ako…
napakarami namang iba diyan na maaari kong mahalin at maaari ring suklian ako ng pagmamahal. napakalaki ng mundo at bilyon-bilyon ang mga tao. isa lang siya sa mga mahahalagang taong dadaan sa buhay ko. tumatak man ang presensiya niya sa puso ko, kung wala na talaga… wala na!
kahit kailan, hindi ko siya inutusan na mahalin ako nang higit pa sa kaibigan… although iba na talaga ang turingan namin, meron ba namang magkaibigang nagse-sex LECHE! hindi kami magkaibigan, hindi rin mag-jowa, kapwa kami baliw na pilit itinama ang mali. sa huli isa-isa naming naramdaman na mali pala… ang kaso siya ang unang nakadama. ngayon lang naman to, siguro sa isang linggo na-overcome ko na ang FEAR na wala na nga talaga siya, at matatanggap ko na. pero sa ngayon… slight pa lang. nagtatanga-tangahan ako. naglalaro.
kung babalik siya… ngayon man, bukas, o kailanman… tatanggapin ko siya. parang walang nangyari. kahit may asawa na ako, kahit may mga anak na ako… kahit may iba nang mahalagang tao sa buhay ko. iba pa rin siya. minsan lang ako mangarap, kaya pakiramdam ko, nangyayari talaga ito.
sa kanyang pagbabalik, nandito pa rin ako… at kung hindi naman, nandito pa rin naman ako.
———-0———-
May 20, 2007 – SUNDAY
—ang huling pagkikita namin ni Red, ang huling yakap. ang huling halik.