deadma ever!
Matagal-tagal rin akong hindi nakapag-post… matagal tulog naghintay ang mga “imaginary friends” ko sa net! he he he! wish ko lang me makabasa nito he he he!
———-
ilang linggo nang hindi kami nagkikita ni Red, nung una xempre lungkot na lungkot ako, as in GRABE to the highest level ang kalungkutan ko… pero sa ngayon ang masasabi ko lang, okay na ako!
OKAY NA AKO! hindi ibig sabihin ay nakalimutan ko na si RED! Okay na ako dahil medyo natanggap ko na rin na hindi naman talaga tinupad ang pangako niya. Pero if ever naman na tuparin niya ang pangakong iyon… well, andito lang ako, kahit ano mangyari nandito lang ako. tutal marami-rami na rin naman akong “crushness” na nakakapagpalimot sa akin panandalian. Ngayon ko napatunayan sa sarili ko na hindi nga naman talaga ako pokpok! Bukod sa panghaharot kay KING, wala na akong ginawang kabulastugan the past few weeks na wala nga si RED! I mean hindi ako nakipag-flirt or nakipag-SEX. Syeeet naman!
Tinubos ko pa naman ang cellphone ko para lang maghintay sa text ni RED na hindi naman pala darating (he he he!) Pero okay na rin yun, at least nakuha ko na at nagkaroon ako ng libangan.
Sumali ako sa clan at bumuo ako ng sarili kong Texter’s Clan, para naman hindi ako ma-bore sa buhay ko, baka kasi maglaslas na naman ako ng aking wrist! POTAH! Marami-rami rin akong nakilala, at siyempre ipinagpatuloy ko rin ang pag-aaral ko ng Adobe Photoshop. Nakagawa na rin ako ng Weblog para sa clan na itinayo ko at ng isa pang baklang pasaway he he he! Ang nakakatuwa, wala isa man sa kanila ang nakakaalam na bisex ako. Pero in fairness, andaming bakla sa clan at walang tigil sa pangangarir ng mga otokong clanmate, anyweiz ang gaganda naman nila at ang hahaba ng mga hair dahil naging “asawa” naman nila ang mga otoko. In fairness, isa sa mga otoko eh wafuness (isa pa lang talaga nakikita ko” crush ko sana kaso nahihiya naman akong gumawa ng first move… tuloy ayun nakuha ng isang badinggerzie, nang tanungin ko naman si cute boylet… okay lang naman daw sa kanya kahit badinggerzie yun at willing pa xang makipag-meet… naknampootahkte naman! sana ako na lang! kaso lam mo na akalain ba naman ng otoko na yun na trip ko xa.
———-
kani-kanina, hindi pa ako naliligo, kasalukuyang nag-aayos ng kuwarto nang biglang dumating si ABNER! oo ang ex-bestfriend ko na nakalimutan ko na (bwa ha ha!) naka-porma… kukuha daw siya ng passport, natigilan pa nga ako nang pumasok sa kuwarto ko… LINTEK ang gwapo niya! Bat ba hindi ko napapansin ang bestfriend este ex-bestfriend ko na ito noon pa, sana mag-jowa kami ngayon at akin na akin sya. Well anyway, in fairness hindi ko siya dinedma. Nagkuwentuhan pa kami at nagtinginan sa mga OLD ALBUMS, para sariwain ang nakaraan… pero maya-maya ayun na, aalis na xa.
Cleo: kukuha ka ng passport niyan, san banda daan mo?
Abner: jan lang.
Cleo: hintayin moko, sabay na tayo… maliligo lang ako.
Abner: …
Cleo: oi diba papunta ka sa taft… sabay na tayo.
Abner: hindi.
Cleo: saan ka pupunta nyan?
Abner: uuwi na.
Cleo: jan sa inyo. hintayin moko ha! sabay tayo lumabas.
Abner: hindi jan, uwi nako sa bulakan.
Cleo: ah ganun ba! sige.
O kitams ako tuloy ngayon ang natameme, na-isplak nya ako for the first time, nakaganti ang mokong nang hindi niya nalalaman. hindi niya talaga ako hinintay, hindi kagaya dati na talagang sasabay at sasabay siya sakin! So ano gagawin ko? eh di wala. Punyemaz.