Pagbabalik ni Jeremiah

Sabado, June 23, 2007… di ko akalain ang isang pangyayari nang bigla na lang pumanik ang Bayaw ni Abner dala ang anak niya at sinabi na nasa baba raw ang dati kong kaibigan at ka-G4 na si Jeremiah. Una hindi naman ako naniwala dahil matapo na dedma-dedmahin ko si Jeremiah dahil kasalukuyan akong napapraning noon kay Red eh alam ko na hindi niya na ako ulit babalikan.

Cleo:     di nga? anjan si Jeremiah?
BNA:     OO nga, bat naman kita lolokohin… hinahanap ka!
Cleo:     pag wala dyan sapak ka sakin!
BNA:     bahala ka tingnan mo pa.
Cleo:     basta pag wala SAPAK ha!

nang bumaba nga ako, sumalubong sa akin si Jeremiah, naka-school unifrom pa, halatang kagagaling pa lang niya sa eskuwelahan… 3rd year college na pala siya pero hindi pa rin nagbago ang mukha. Babyface dati ang tawag namin sa kanya dahil mukha nga palaging bata. Napakakulit pa niya noon, high school lang kasi siya noon. 1st year college siya nang lumipat sila sa Fairview. Maganda naman ang samahan namin although bihirang-bihira na talaga kami nagkikita dahil nga busy siya sa pag-aarala at ako naman kung walang pasok eh nakikipaglandian kay Red.

Cleo:         musta na? laki mo na ah… Namputsa yung mukha mo batang-bata pa rin.
Jeremiah:   siyempre naman he he. kaw musta na? asan si Red?
Cleo:         ala na siya… di na pumupunta.
Jeremiah:   sabi sakin nung kapatid niya tuwing sabado daw pinupuntahan ka nun eh.
Cleo:         noon yon. ngayon hindi na. sino nga pala pupuntahan mo? Tito o Tita mo?
Jeremiah:   IKAW!

matagal-tagal rin naman kaming nagkausap nang masinsinan, kumustahan, batian (ndi to bastos) may mga nagbago na rin sa kanya… tumangkad nang kaunti, pumuti, mas naging lean ang katawan at siyempre nagbinata. mas matanda siya kay Red pero tingin ko ngayon pa lamang siya nagbibinata. hindi ko na tinanong kung may girlfriend siya… malamang meron na. kinalkal namin ang mga photo albums kung saan nandun lahat ng mga pictures namin nung mga bata pa kami… nakakatawa kasi lahat ay may kuwento. matagal bago siya umuwi, madilim na saka ko siya hinatid sa sakayan… malayo pa ang biyahe niya. talagang dinaanan niya lang ako. Sa mga sandaling kasama ko ang bunso ng G4… siyet naman ang saya, medyo naiilang ako, hindi ko siya hinalikan or niyakap gaya ng dati, iba na kasi ang ngayon.sa susunod na Sabado, babalik siya…

at sa mga susunod na Sabado pa…

Mag-iwan ng Tugon