Sino Ba sa Kanila?

sino

well… well… well!

ala ako sa wis na gumawa ng entry the past few days. ewan ko nga ba kung bakit. basta parang wala ako sa wisyo na magdadadakdak sa blog ko. so ngayon huwag mong aasahan na porke natagalan ang entry ko eh super ganda nito huh! here we go….

—–

dahil wala nga si Red sa buhay ko ngayon, sandamakmak na boylet naman ang napapansin ko. ayoko naman maglandi dahil nga ipinangako ko sa sarili ko na HULI na si Red na lalaki sa buhay ko… ang mga susunod ay mga gurls na. pero ang napakalaking PROBLEMA, may mga natatypan talaga ako lalo na ngayon na medyo kulang ako sa romansa he he he! ito ay ilan lamang sa mga umaaligid sa aking life sa ngayon.

— JEREMIAH —

dati na namen siyang kaibigan ni Red, kasama siya sa G4. Siya ang tinaguriang “babyface” ng grupo. siyempre feeling niya eh boy na boy ako pero ang hindi niya alam malisyoso akong tao. yung simpleng akbay may kahulugan na yun. takot siya sa bakla… naaalala ko pa nang sundan daw siya ng isang bading sa Isetann Recto, PUCHA tinakbuhan ba naman ng gago! sa tingin ko pa lang sa kaniya alam kong wala siyang ka-expe-experience sa gurls o sa gays. palaaral siya, masunuring anak atbp. totoy na totoy-looking pa! isa siya sa mga CLOSE DABARKADS ko na hindi ko napapansin lalo na at nasa tabi ko si RED! as in DEADMATOLOGY talaga! pero nitong nakaraan ay bumalik siya. oo nga at totoy ang fezlak niya pero iba na ang hubog ng shotawers ng loko. nagkaroon na ng mga masel-maselan at abs na feborit ko. at mukhang masarap talaga siya.

— RYU —

sa totoo lang ndi ko pa alam ang name nitong boylet na ito. pero ang gagang P. Denz, CLOSE na niya na meaning eh malapit na ring mapalapit sakin ang mokong. anyways, dati ko na siyang nakikita pero siyempre kahit ano pa ang hitzura niya eh DEADMATOLOGY pa rin ang drama ko dahil may RED naman ako sa buhay ko. Chinito siya at maputi, Lean ang katawan, yung mga TRIP ko… hindi malaki at hindi rin naman ganoon kapayat. so perfect ang body niya with matching 6-pack abs. sa totoo pa nga niyan ay nakuha ko na ang cel. number niya. Kailangan maging ka-CLOSE ko rin itong gagong to. May papa-potential kasi eh, minsan nga nakikita ko na siya sa panaginip ko at nakayakap sakin wa hek hek!

— FRANCE —

kabarkada siya ng kuya ko. taga-Valenzuela siya. Nung una kaming nagkita… nakita ko lamang siyang paparating and naka-titig sakin, nakipagtitigan naman ako pano ba naman eh cuteness siya. nagulat na lang ako nang tumabi sa upuan namen. ka-brod ko pala sa GANG. Namputsa tingin pa rin nang tingin sakin, nang tanungin ko yung isa pa naming dabarkads… SYEEET! eto pala ang sinasabi.

FRANCE:   tol bagong sali ba yan?
FRIEND:    GAGO! anong bagong sali eh matagal na yan! nauna pa satin.
FRANCE:   mukhang maangas ah. (maangas daw???)
FRIEND:    kapatid yan ng ace natin.
FRANCE:   ganun ba?
FRIEND:    kamayan mo.
FRANCE:   natatakot ako baka sapakin ako, mukhang masungit eh.
FRIEND:    tange mabait yan.
FRANCE:   next time na lang.

mukha ba naman akong siga para katakutan??? Potah naman! Kung alam lang sana niya na gusto ko siyang halikan at yakapin he he he!

— EMERSON —

ato ayos naman. kabarkada rin ng kuya ko at ka-brod ko din. BADTRIP na naman, pano ko siya maitatakas nang walang nakakapansin? syet ang hirap naman. hindi siya ganon ka-gwapo, may itsura pwede pa. pero yung katawan ayos na ayos sa akin. swak na swak sa panlasa at in fairness… ambango! isa pa ito sa mga na-shokot sakin dahil hindi nila alam ang tamang paggalang at pagbibigay-galang sa isang emperatris (joke lang!) sa isang nakataas na gang member. syet naman ang hirap naman ng ganun shungaerz talaga! pero naamoy ko na mabango siya ng kunwaring bubulungan ko siya about sa isang gurlilet ang di niya alam muntik ko na siyang mahalikan nang mabanguhan ako sa kanya.

—–

o ayan na ang mga boylet na pinagpipilian ko. siguro nga straight-seeker talaga ako. pero meron akong isang CRUSH… Syet elementarya ba ituh! Crush ko lang siya and i know na Bisexual siya. pero yung looks at kilos kasi niya mhin na mhin kaso pag nagsalita na badinggerzie na syete talaga. lam ko naman na hindi niya ako matatypan dahil baka kapwa ko mahal ko rin siya. eniweiz shinare ko lang ha he he he!

gusto ko nga rin sanang isama sa listahan na ito sina King at Abner engkaso TAKEN na sila. Si Abner eh baka pagsisihan ko sa huli dahil ex-bestfriend ko nga at si King naman ay sadista. mahilig kasing manuntok, manipa, mamingot. LECHE! ayoko namang maging battered wife… kay Vanessa na lang siya at sila na ang magbugbugan forever!

Mag-iwan ng Tugon