Imbak para sa Hulyo 2, 2007

King: Badtrip Moment

Posted in Uncategorized on Hulyo 2, 2007 by Prinsipe ng Pangarap!

cleo king

//  Linggo – July 1, 2007

- ilang beses nagbrown-out, dahilan para maputol-putol ang tulog ko at mejo nabad-trip ako. kagabi hindi umuwi si King, ayon kay Vanessa. Nang magkailaw, sakto namang bumaba sina Vanessa at King. Binati pa ako ni King… pero hindi ko naman napansin na bati na pala yung kinalabit niya ako at sinabing Cleoooo. yun lang. maya-maya pumanik ako sa rum nila.

Cleo:   bat hindi ka umuwi kagabi?
King:   (dedma lang)
Cleo:   ui… san ka galing kagabi?
King:   (dedma pa din, tuloy-tuloy sa pagsasalita dahil nag-uusap sila ni Vanessa)
Cleo:   ui (sabay kalabit na) epal to, ask ko san ka galing kagabi?
King:   (biglang humarap, nakasimangot) eh ano naman ba saiyo?
Cleo:   (naimbyerna na) tinatanong ka lang…

tuloy-tuloy akong bumaba, hindi ko na siya pinansin, may sinasabi pa nang pahabol pero sa sobrang asar ko eh hindi ko na narinig. basta nabad-trip ako TAPOS!

- maya-maya lang eh nasa kusina ako iihi na ako nang makita ko siyang pababa, paglabas ko sa banyo, binati niya ako, ni hindi ako ngumiti or lumingon man lang sa kanya, hindi ko na siya pinansin, at tuloy-tuloy na akong pumunta sa sala. nabalitaan ko na lang kay Vanessa (na balak ko ring dedmahin) na sinabi daw ni King na “moody” daw ako. LECHE ako pa ba moody, ayoko sa laht pinapahiya ako. totoong nabad-trip ako. hindi na sana ako magpopost ng tungkol kay King pero diba nga labasan ito ng sama ng loob ko. kaya eto ang mga pinakahuling fotos namin ni King.

- hindi ako magsasalita ng patapos… malamang magkausap pa rin kami. ngayon pang malapit na ang bertdey ko. kagaya nga ng sinabi ko “what are friends for?”.

Bati na tayo Abner

Posted in Uncategorized on Hulyo 2, 2007 by Prinsipe ng Pangarap!

abner2

 - malapit na ang bortdey ko kaya lahat ng mga hindi ko nakakasundo ay ipinagkasundo ko na… este binati ko na (ngek)… rephrase na nga lang. malapit na ang bertdey ko kaya nakipagbati na ako sa mga hindi ko kasundo noon. gaya na lang ng aking ex-bestfirend na si Abner.well well well, sanay na nga yata talaga ako sa ganitong moment na super-pagpapatawad ang nangyayari. so ang nangyari eh kasalukuyan akong nagteteteks nang kung anu-ano gamit ang panibago kong TM (ang bagong Touch Mobile) na simcard dahil hindi ako unlimited sa smart at hindi rin alltext kaya ginamit ko na nga ang Free Text sa TM. nang biglang may nagkakakatok.

Cleo:   sino yan?
Abner:   si Abner. (tinanong ko pa eh nabosesan ko naman)
Cleo:   (binuksan ko na lang)

pumasok siya at nagkuwentuhan kami. hanggang sa sinabi niya nga na napagsarhan siya ng bahay nila at walang ibang tao doon. malamang naman na hindi na siya kasya sa dating butas na dinadaanan niya dahil super-tangkad na siya ngayon. hindi naman ako ganoon kasama para hayaan na lang ang ex-bestfriend ko na matulog sa kalye.

Cleo:   dito ka na matulog.
Abner:   pwede?
Cleo:   oo naman! para ka namang tanga.
Abner:   maaga naman ako gigising bukas eh, wat tym ba pasok mo?
Cleo:   kahit 24 hours ka pang matulog, 2pm pa pasok ko.
Abner:   salamat ha! dito ba ako sa lapag?
Cleo:   malamang tabi tayo… eh wala namang hangin jan eh.
Abner:   talaga???
Cleo:   oo tabi tayo.
Abner:   salamat ha.

nagsimula na ngang maging at home na ang feeling agen ng loko. tumabi na kaagad sakin sa paghiga, pero hindi pa naman siya matutulog. nagkukuwento siya nang maraming bagay. hanggang sa nauwi ang kuwentuhan namin sa mga kaibigan namin noon.

Cleo:   andami mo ring pinagloloko no.
Abner:   oo marami-rami na rin, isa lang naman ang ndi ko niloko eh.
Cleo:   sino si Barbs?
Abner:   Ungas! manhid lang talaga yun. pinagpalit kasi ako sa iba eh.
Cleo:   (patay-malisya)
Abner:   …

tabi nga kami matulog hanggang sa nagising ako sa alarm ng fone ko… nabigla naman ako sa eksena, nakayakap siya sakin. naisip ko tuloy, para saan pa at naging mag-bestfriend kami kung pakakawalan na lang namin bigla yung pagkakaibigan na pinatatag na ng panahon. marami-rami rin naman talagang karanasan na pinagsamahan namin, nagbinata kami na magkasama… halos kalahati ng buhay ko kasama ko siya, bakit kinakailangan na deadma-deadmahin ko na lang siya. why not di ba… let’s be friends na lang agen, wala na sanang imbyerna moment. sana as friends… maging masaya ulit kami.

I Love You Sabado: The G-3 Reunion

Posted in Uncategorized on Hulyo 2, 2007 by Prinsipe ng Pangarap!

 slippers

Isang linggo na ang nakakalipas nang pangakuan ako ni Jeremiah na pupuntahan na daw niya ako tuwing Sabado, para naman hindi ako malungkot sa buhay ko at mag-try na naman mag-suicide.

SABADO: June 30, 2007

- naligo agad ako pagkagising na pagkagising ko dahil nga tanghali na at any moment ay darating na nga si Jeremiah para tuparin ang pangako niya na hindi ko naman talaga alam kung tutuparin ba talaga niya o hindi. basta nag-ready na lang ako. pagkatapos na pagkatapos kong maligo, lumabas kaagad ako ng bahay para sabihin kay ang pinasasabi ng isang kaibigan sa isa pang kaibigan via text… so paglabas ko ng bahay… nabigla naman ako sa nakita ko. Anaknampootahkte si RED! deadmalaysia ko siya at dumiretso ako sa bahay ng friend na sasabihan ko ng message. pagkatapos kong sabihin eh lalabas na agad ako ng kanto para bumayla ng iinumin namin ni Jeremiah any momentum na dumating siya and if ever na hindi naman siya babalik ay lalaklakin ko na lang mag-isa para mamanhid na naman ako at malimutan kong nakita ko si RED, at nakatitig din sa akin!

- bigla ba namang may text message, kaya habang naglalakad ako ay nakayuko ako b-coz i was reading the message. super bagal-bagalan ang walkathon ko kasi nga nagbabasa. nang bigla akong mapatingin sa harapan ko… sa di-kalayuan, nakita ko si RED, napaatras ako ng ilang sentimetro sa kinatatayuan ko. “TOTOO BA ITO?”. sinesenyasan niya ako. gustong-gusto ko kaagad siyang yakapin pero PUCHA! ganun na lang ba yun! isang buwan at tatlong araw siyang nawala… walang txt-txt walang col-col tapos okay lang sakin. No! pero leche ganito ata talaga ang tanga. nilapitan ko siya.

Cleo:   bakit?
Red:    anong bakit? Sabado ngayon diba?
Cleo:   bakit ka pa bumalik? (mahina)
Red:    …..
Cleo:   o bat natahimik ka jan?
Red:    sorry ha!
Cleo:   porke ba nagkatrabaho ka hindi mo na ako naalala?
Red:    anong trabaho pa-ekstra-ekstra lang yun.
Cleo:   bat hindi mo man lang tinext?
Red:    eh kasi…
Cleo:   eh kasi ano? ano to gaguhan?
Red:    kasi alam ko na kapag tinext kita tatawag ka eh. aawayin moko.
Cleo:   pano mo nalaman?
Red:    kilala na kita.
Cleo:   so alam mo rin na magagalit ako na naghintay ako ng isang buwan.
Red:    …

- isinama ko siya sa kuwarto. doon kami nag-away, pero slight lang. sunud-sunuran siya at sinasagot ang mga tanong ko. tuluy-tuloy lang hanggang sa lumabas na nga ako ng bahay. DYASKE hulaan kung sino ang nakita ko…. si JEREMIAH! ala na ako magawa kaya isinama ko na si Jeremiah sa kuwarto. Nagulat pa sila pareho. One In A million ang momentum kasi ngayon lang uli kami nabuong tatlo… without the mahanging frend namin, ayaw naman kasi nila na tawagin ko, kami lang naman daw talagang tatlo ang FRENDS. so hinayaan ko na.

- walang katapusang kuwentuhan, malaki-laki na rin nga talaga ang nagbago kay Jeremiah, yung kay RED, alam ko naman kung ano lahat iyon. nagpakabangenge kami pare-pareho hanggang sa dumating ang moment na sleepy hollow na kami pare-pareho. hindi pa rin naman ganoon katindi ang pagbabago ni Jeremiah dahil siya pa rin ang bagsak samin. Nilaplap ko tuloy siya he he he! Mas masarap pala. Kami na lang ni Red ang gising.

- sinapak ko siya sa mukha. hindi siya kumibo, makalipas ang tatlong suntok, gumanti pero pigil pa rin, ni hindi ako nasaktan. pinagsasasapak ko pa siya. tumigil ako nang makitang pulang-pula na ang fezlak niya. saka ako nagsalita…

Cleo:   bat ka pa bumalik? nakalimutan na kita. marami na akong nakilala, naging matatag na ako sa pagkawala mo. salamat na rin na tinuruan mo akong maging malakas. GAGO KA! TARANTADO KA! aalis ka nang walang sabi-sabi, tapos bigla kang babalik nang walang anu-ano? Pano kasi alam mo na kahit ano pa ang gawin mo saken, kahit kailan mo pa ako paghintayin wala akong gagawin kundi ang tanggapin ka ulit. Hindi mo pwedeng isalaksak sa mukha ko na dahil sa trabaho, o dahil sa malayo, dahil ako kahit saang lupalop ka pa mapunta… kung gugustuhin ko kaya ko. pero ikaw, wala kang pakialam! Kulang pa yang ginawa ko sayo! Dapat pinatay na kita… pero mahal kita! Yun ang napakalaking pagkakamaling nagawa ko sa buhay ko. ang magmahal ng isang walang kakuwenta-kuwentang tao. sa susunod na aalis ka, hindi mo na ulit kailangan magpaalam, basta sisiguraduhin mo lang na hindi ka na babalik. (kabog ang lahat ng bigating artista sa linya ko!) with matching tears falling pa yan) … niyakap niya ako nang mahigpit, saka ko naramdamang pumapatak na rin ang luha niya. syyyyyyyyyyeeeeeeeeeeeeeeet! saya naman!

- umuwi pa rin sila, si Jeremiah sa Fairview at si Red sa Taguig. Malayo pero sulit ang punta nila dahil ala-reunion na naming tatlo yon. sulit din kay Red dahil nakatikim siya ng matitinding soplak sa fezlak at sakin dahil sa wakas nailabas ko ang mga dapat na ilabas.