deal or no deal?

- gusto ko nang ilabas ang gusto kong ilabas, siguro ungas-ungasan na naman ako na nag-iisip na ano nga kaya kung talagang isupalpal ko na sa mukha ng mga people na may berde akong dugo… ANO NGA KAYA? tutal feeling ko naman kaya ko nang tanggapin ang alinmang sasabihin nila laban at para sa akin. kaya ko na sigurong magpakatotoo at magmatapang sa mundo… minsan kasi parang nababato na ako sa pagkukunwari eh… pero sabagay isang napakalaking mental hospital ang mundo at ang lahat ng mga nakatira dito ay mga baliw.

- sa mga susunod na araw pag-iisipan kong maigi kung ilalabas ko na ba talaga o hindi muna, masyado kasing kumplikado… hindi sila sanay he he he! kaya sorry kung hindi ko pa magagawa iyon at ayos lang din naman kungĀ  magagawa ko na.. so bahala na si batman… sampung libong beses muna akong mag-iisip.

Mag-iwan ng Tugon