Ang Kaibahan ni King

- nagkaroon na rin ako ng Chronicles ni King sa blog na ito. at tinapos ko na rin ang Chronicles na iyon dahil nawala na rin naman ang “pagnanasa” ko sa kanya at anumang bagay na balak ko sa kanya, pero iba ang entry na ito.
si King bilang isang kaibigan…
- ako kasi pag naasar ako sa isang tao… kahit na sino ka pa, hindi talaga kita papansinin, lalo na kapag ikaw pa ang may ginawang hindi maganda sakin. ilang beses din naman kaming nagkakatampuhan ni King at syempre dahil iyon sa napikon ako sa kanya. mahilig kasi siya magsalita ng “anong pakelam mo?” at “bat ka ba nakikialam?” pero hindi siya seyoso sa pananalita nya nung ganun, basta me masabi lang siya… hindi niya alam napipikon agad ako sa ganun.
1. Nang ibuhos niya ang Beer
- wala kaming magawa ni P. Denz noon kaya dumiretso kami sa Recto kung saan ay naabutan namin si King na nagsusugal. kaka-arbor ko lang ng Lace niya na Tribal noon. tinabihan namin siya hanggang sa niyaya namin siyang uminom. nang pumunta kami sa San Miguel Food Shop na siyang pinakamalapit na shop sa kanila. me nakita kaming bagong inumin kaya yun ang binili namin. kasalukuyan siyang nagsusugal noon. hanggang sa makita ko na lang ang ibinigay kong beer sa kanya na nakataob ang baso at umawas na ang laman nito sa gilid niya. BANAS na BANAS ako sa kanya noon kaya nagwalk-out ako kasi sinayang niya di na lang niya sinabing ayaw niya. napakamatampuhin ko daw.kinagabihan, hindi ko pa rin siya pinapansin, sinundan niya ako nang makita niyang bababa ako at kinausap nya ako at sinabing napaka-sensitive ko naman. niyaya niya ako na uminom at ang iinumin namin ay ang binili ko kanina, papunta na kami sa Recto na nakaakbay pa siya sakin.
2. Nang pumasok ako sa room nila at hinarot ko siya
- isang tanghali bago ako pumasok sa office, nakita ko sila na nagkukuwentuhan sila ng gf niyang si Vanessa, pumasok ako at tinanong ko siya… “bat di ka umuwi kagabi?”, hindi niya ako pinansin at tuloy lang siya sa pagkukuwento kay Vanessa. inulit ko ang tanong… “UI bat di ka ba umuwi kagabi?”… that time humarap na siya sa akin sabay sabing “ano naman ngayon sayo?”… PUCHA nagpanting ang ears ko kaya walk-out na naman ako with matching simangot.kinagabihan, binati niya ako pero hindi ko siya pinansin, napahiya ang kumag kaya nung niyaya namin siya ni P. Denz dahil la nga kami kasamang uminom sa Videoke eh sabi ba naman sakin na “kanina kinakausap kita pinahiya moko!” tapos di ko na talaga siya mapilit… “di wag davah!”…madaling-araw, katatapos lang namin uminom ni P. Denz, nakita ko siya pero that time kinausap na niya ako at sinabing napikon daw siya nang mapahiya kasi hindi ko siya pinansin. e di lumabas din na mas sensitive siya kesa sakin.
3. Nang pumasok ako sa room nila at hinarot ko siya Part 2
- gaya nang dati pumasok ako sa room nila… kinulit ko na naman siya as ussual kaya ayun naasar na naman ako nang bigla na naman nyang sinabing.. “ano ba pakelam mo?”… sus syempre matampuhin ako kaya ayun walk-out na naman ang lola mo. mga 1 week ko siyang hindi pinansin although pinapansin niya ako dinedema ko naman siya dahil napuno na nga talaga ako.isang gabi, habang nanonood kami ni Vanessa ng TV sa sala ng bahay namin, dumating siya tapos nilapitan niya ako at pinatatawa… eh mababaw lang naman ako kaya ayun na nga natawa ako sa pagpapa-cute niya hek hek hek.
4. Nang dumating siyang Bangenge
- Friday yun, nanonood kami ni Vanessa ng movie na pina-burn ko sa office, bigla siyang dumating tapos halatang nakainom. nakatingin lang naman ako sa kanya… bigla ba namang sinabing “anong tinitingin-tingin mo jan?”… nakupo WAAAAAAAAAAAH! naasar talaga ako kaya bigla kong sinabing.. “tangina mo!” sabay kuha ng CD sa VCD at akma nang lalabas… sinunggaban niya ako at niyakap (wow… buti na lang di ko na sya type) tapos nagpumiglas ako at sinisipa at sinusuntok ko siya… talagang nagpapambuno na talaga kami naku… hehehe naka-topless pa siya nun ha… and talagang super-hug siya sakin… medyo kinilig din naman ako, nakupo buti na lang talaga friend na lang ang turing ko sa kanya kung hindi… he he he la na sya kawala. so yun na nga… nagpumiglas pa rin ako tapos niyayapos niya ako habang sinasabi na… “pag ikaw nang-aasar hindi ako napipikon tapos ngayon ganyan ka…” so dahil sa higpit ng yapos niya eh nasasakal na ako kaya ayun nagpaubaya na ako hek hek hek. bati na kami.
MAPAGBIGAY na tao si King… kapag meron yan share niya to everyone hanggang sa maubusan na naman siya. mabait sa kaibigan pero masakit magbiro, masokista kasi eh. naku ha la akong balak maging battered wife. mahiyaing pusa yan as in… yun bang kapag kasali sya sa inuman, ipagpipilitan niyang kinakailangan niyang gumastos. Kapag me pera naman yan hindi talaga madamot, libre kung libre ang labanan.