Badtrip Sa Bahay…
nakakabadtrip sa bahay… kahit hindi ko pa pansinin ang mga ex-brothers ko, wala akong magagawa dahil nakakaharap at nakikita ko pa rin sila… walang epek ang pa-invisibility mode ko para sa kanila. nababanas tuloy ako at panay lang ang irap sa kanila. PUCHA! balak ko tuloy maglayas bigla. naknampootahkte, WAAAAAH! badtrip ako to the highest level dahil sa kanila. kay ex-bro 1 (ung maputing matangkad na mahilig magdadadambel) okey na wag mo na talaga akong tingnan or tangkaing kausapin dahil forever na kitang hindi kakausapin. kay ex-bro 2 (ung mashongkad na mukhang adik na hindi mo maintindihan) YES! tuloy mo lang yan… pero wag na wag kang magkakamaling makipagbanggaan ulit sakin dahil sinisigurado kong ikaw naman ang paduduguin ko. at syempre last but not the least kay ex-bro 3 (ung pinaka-feeling, nomo king at pinaka-epsilog sa buhay ko) ha ha ha! kung ako sa iyo wag mo na akong pansinin or kausapin pa dahil magmumukha kang baliw na tanga na nakikipag-usap sa hangin dahil kahit ano pa ang gawin mo, nasira na ang fez ko at hanggang ngayon ay nangingitim pa ang black-eye ko. SYET!
- nakakaasar kasi ba naman nahihirapan talaga akong itago ang black-eye ko lalo na kapag pauwi na ako galing sa work pag gabi, alangan namang mag-shades pa rin ako no? at saka kagabi habang sinisipat ko ang fez ko sa mirror, nakita kong me namumuong red part sa gilid ng eyeball ko, natakot tuloy ako bigla dahil medyo lumalabo na nga ang paningin ko at baka any moment eh maging blind ako. kagabi, habang nagbabasa ako ng stories sa room at katatapos ko lang mag-shower, naramdaman kong dumudugo ang sugat ko sa kilay… at natanggal ang langib nito nang di ko malaman kung paano. syet fresh na naman tuloy ang sugat, kakabanas talaga, hindi tuloy ako makakuskos ng todo sa fez kapag naliligo dahil baka nga matamaan ko ang sugat.
- kagabi pa lang nararamdaman ko na ang pagsakit ng kaliwang dibdib ko (magkakaboobs na ba ako?) ang una kong naisip ay baka nabalian ako ng bones sa dibdib dahil sa pang-oombag nilang tatlong kupal sila sakin, hanggang ngayon… lalo pang sumasakit ang dibdib ko, hindi ko nga mahalo nang maige ang juice na tinimpla ko dahil dito… at nahihirapan ako huminga.
- kanina bago ako pumasok, nabadtrip ako dahil hindi ko makita ang shadez ko courtesy of that PLDT boy Ruel, di ko makakalimutan na iniwan ko iyon kasama ng singsing, relo at kwintas ko pero yun mismo ang nawawala, eh naalala kong gusto iyon ng ex-bro 3, SYET talaga! balak niya talagang ipakita sa madla na nablack-eyan niya ako kaya kinuha niya iyon… so in the end, umalis ako ng walang shadez at super-takip sa mata ko, kala tuloy ng mga tao umiiyak ako. saka ako bumili ng mumurahing salaming pan-trasher sa quiapo, yung merong black frame… mukha tuloy akong tanga. saka ako dumiretso ng booksale para maghanap ng book ni Wanda Ilusyunada na nai-post ko na sa isa ko pang blog pero wala akong nakita kaya na-late ako sa work. SYET talaga.