Imbak para sa Hulyo 26, 2007

Mahal ko pa kaya si RED?

Posted in Uncategorized on Hulyo 26, 2007 by Prinsipe ng Pangarap!

hhh

- napanood ko na ang movie na ang pamagat ay Testosterone, inabot ako ng 4 ng madaling-araw just to finish that movie. ayos naman ang mga bida pero masyadong kakaiba ang story… maganda siya! masyadong tragic eh, me mga naganap na kamatayan bwa ha ha ha!

- dahil sa napanood kong movie, naalala ko tuloy si RED… yung mga masasayang sandali namin na magkasama. kung hindi lang sana siya nag-asawa or nakipaglive-in nga pala at nagkaroon ng anak at sa ngayon ay buntis na naman ang live-in partner niyang maldita na si Matilda… sana masaya pa rin ako ngayon sa piling niya. ang huli naming pagkikita ay nito lang July 16, 2007 – dun siya natulog samin kasi nung 15 ng gabi. pagkatapos nun nasira naman ang fone ko na tanging communication device namin, kasi yun lang ang kabisado niyang number ko. yung fone niya kasi nasa Malditang live-in partner niya at oras na magreply ako or tumawag sa mga messages niya malamang na gulo ang mangyari… ilang beses na rin naman kaming nagpang-abot ng bruhang yun. PUCHA at ilang beses ko na rin siyang nasampal at nasapak… ayoko na siya saktan at ayoko na rin gumawa ng eksena, gusto kong manahimik na lang at isipin na lang niya na hindi na rin talaga kami nagkikita ni RED, kaya nga patago na rin kami nagkikita. lahat halos ng mga kabarkada namin, alam na hindi na kami nag-uusap or nagkikita ni RED, pero may mga close friend naman na nakakaalam pa rin, gaya kasi nung b-day ko kung saan ang mga invited guests lang ay yung mga mapagkakatiwalaan namin na hindi magsasalita na nasa party si RED at katabi ko na at kahalikan ko pa ha ha ha!

- marami ang na-shock nung b-day ko dahil nang bangenge na kami ni RED, nagdudu-duet na kami sa pagkanta at dikit-na dikit kami as in yung habang kumakanta magkaakbay pa at dalawa pa kaming may hawak sa mic. pati yung mga kaibigan namin na hindi nalalaman ang namamagitan sa amin ay takang-taka talaga… “KAYO BA?” ang sikat na tanong nung gabing yun. siyempre sinagot iyon ng mga halikan at yakapan ha ha ha!

- kaso kung kailan marami na ang nakakaalam… BADTRIP naman. dati kasi sandali lang na hindi ko siya makita as in ala pang one day eh hinahanap-hanap ko na siya at napapraning na ako to hte point na lalaklak na lang ako ng beranggu kaya nga paborito ko ang kantang BEER eh. so yun na nga, madali ko siyang ma-miss dati, at kapag nagkikita kami, talagang to the maximum level ang kaswitan kahit sa labas pa… with matching kissing scenes, hugging galore at holding hands while walking pa in PUBLIC! kaso ngayon… kung kelan lalo pa siyang nagiging sweet sakin, saka naman ako nanlalamig… yun bang ala na akong pakelam kahit kailan pa siya dumating… kapag nanjan naman siya tutulogan ko lang siya hanggang sa makatulog na rin siya, konting kwentuhan at madalas pa eh away… at saka kaya ko na siyang tiisin… imagine last time, nag-uusap kami sa tapat ng bakery at gabi na yun, sa Taguig pa siya uuwi pero nung inaantok na ako tinanong ko siya kung dun ba siya matutulog sa bahay… sabi niya hindi, kahit na wala naman siyang ibang kasama doon, iniwanan ko siya… bigla naman siyang sumunod, “o kala ko ba hindi ka dito matutulog?” ang tanong ko.. “kaw naman iniwanan mo naman ako binibiro lang naman kita.” sabi niya na lang… la na rin ako pakialam kung tatawag ba siya sa kin or magtetext man lang.. at kagabi lang ay naisip kong magpalit na ng number, balak ko kasing subukan siya kung paano niya ako hahanapin or paano siya gagawa ng way para magkita kami ulit. at kadalasan hindi ko na siya naaalala pwera na lang kung talagang me bagay na makakapag-paalala… SYET naman MAHAL KO PA KAYA SIYA?