
Isang linggo na ang nakakalipas nang pangakuan ako ni Jeremiah na pupuntahan na daw niya ako tuwing Sabado, para naman hindi ako malungkot sa buhay ko at mag-try na naman mag-suicide.
SABADO: June 30, 2007
- naligo agad ako pagkagising na pagkagising ko dahil nga tanghali na at any moment ay darating na nga si Jeremiah para tuparin ang pangako niya na hindi ko naman talaga alam kung tutuparin ba talaga niya o hindi. basta nag-ready na lang ako. pagkatapos na pagkatapos kong maligo, lumabas kaagad ako ng bahay para sabihin kay ang pinasasabi ng isang kaibigan sa isa pang kaibigan via text… so paglabas ko ng bahay… nabigla naman ako sa nakita ko. Anaknampootahkte si RED! deadmalaysia ko siya at dumiretso ako sa bahay ng friend na sasabihan ko ng message. pagkatapos kong sabihin eh lalabas na agad ako ng kanto para bumayla ng iinumin namin ni Jeremiah any momentum na dumating siya and if ever na hindi naman siya babalik ay lalaklakin ko na lang mag-isa para mamanhid na naman ako at malimutan kong nakita ko si RED, at nakatitig din sa akin!
- bigla ba namang may text message, kaya habang naglalakad ako ay nakayuko ako b-coz i was reading the message. super bagal-bagalan ang walkathon ko kasi nga nagbabasa. nang bigla akong mapatingin sa harapan ko… sa di-kalayuan, nakita ko si RED, napaatras ako ng ilang sentimetro sa kinatatayuan ko. “TOTOO BA ITO?”. sinesenyasan niya ako. gustong-gusto ko kaagad siyang yakapin pero PUCHA! ganun na lang ba yun! isang buwan at tatlong araw siyang nawala… walang txt-txt walang col-col tapos okay lang sakin. No! pero leche ganito ata talaga ang tanga. nilapitan ko siya.
Cleo: bakit?
Red: anong bakit? Sabado ngayon diba?
Cleo: bakit ka pa bumalik? (mahina)
Red: …..
Cleo: o bat natahimik ka jan?
Red: sorry ha!
Cleo: porke ba nagkatrabaho ka hindi mo na ako naalala?
Red: anong trabaho pa-ekstra-ekstra lang yun.
Cleo: bat hindi mo man lang tinext?
Red: eh kasi…
Cleo: eh kasi ano? ano to gaguhan?
Red: kasi alam ko na kapag tinext kita tatawag ka eh. aawayin moko.
Cleo: pano mo nalaman?
Red: kilala na kita.
Cleo: so alam mo rin na magagalit ako na naghintay ako ng isang buwan.
Red: …
- isinama ko siya sa kuwarto. doon kami nag-away, pero slight lang. sunud-sunuran siya at sinasagot ang mga tanong ko. tuluy-tuloy lang hanggang sa lumabas na nga ako ng bahay. DYASKE hulaan kung sino ang nakita ko…. si JEREMIAH! ala na ako magawa kaya isinama ko na si Jeremiah sa kuwarto. Nagulat pa sila pareho. One In A million ang momentum kasi ngayon lang uli kami nabuong tatlo… without the mahanging frend namin, ayaw naman kasi nila na tawagin ko, kami lang naman daw talagang tatlo ang FRENDS. so hinayaan ko na.
- walang katapusang kuwentuhan, malaki-laki na rin nga talaga ang nagbago kay Jeremiah, yung kay RED, alam ko naman kung ano lahat iyon. nagpakabangenge kami pare-pareho hanggang sa dumating ang moment na sleepy hollow na kami pare-pareho. hindi pa rin naman ganoon katindi ang pagbabago ni Jeremiah dahil siya pa rin ang bagsak samin. Nilaplap ko tuloy siya he he he! Mas masarap pala. Kami na lang ni Red ang gising.
- sinapak ko siya sa mukha. hindi siya kumibo, makalipas ang tatlong suntok, gumanti pero pigil pa rin, ni hindi ako nasaktan. pinagsasasapak ko pa siya. tumigil ako nang makitang pulang-pula na ang fezlak niya. saka ako nagsalita…
Cleo: bat ka pa bumalik? nakalimutan na kita. marami na akong nakilala, naging matatag na ako sa pagkawala mo. salamat na rin na tinuruan mo akong maging malakas. GAGO KA! TARANTADO KA! aalis ka nang walang sabi-sabi, tapos bigla kang babalik nang walang anu-ano? Pano kasi alam mo na kahit ano pa ang gawin mo saken, kahit kailan mo pa ako paghintayin wala akong gagawin kundi ang tanggapin ka ulit. Hindi mo pwedeng isalaksak sa mukha ko na dahil sa trabaho, o dahil sa malayo, dahil ako kahit saang lupalop ka pa mapunta… kung gugustuhin ko kaya ko. pero ikaw, wala kang pakialam! Kulang pa yang ginawa ko sayo! Dapat pinatay na kita… pero mahal kita! Yun ang napakalaking pagkakamaling nagawa ko sa buhay ko. ang magmahal ng isang walang kakuwenta-kuwentang tao. sa susunod na aalis ka, hindi mo na ulit kailangan magpaalam, basta sisiguraduhin mo lang na hindi ka na babalik. (kabog ang lahat ng bigating artista sa linya ko!) with matching tears falling pa yan) … niyakap niya ako nang mahigpit, saka ko naramdamang pumapatak na rin ang luha niya. syyyyyyyyyyeeeeeeeeeeeeeeet! saya naman!
- umuwi pa rin sila, si Jeremiah sa Fairview at si Red sa Taguig. Malayo pero sulit ang punta nila dahil ala-reunion na naming tatlo yon. sulit din kay Red dahil nakatikim siya ng matitinding soplak sa fezlak at sakin dahil sa wakas nailabas ko ang mga dapat na ilabas.


