bakbakan na naman!

nagkita na naman kami ni Red last Saturday (September 15, 2007) ng mga 6pm – saktong-sakto siya sa usapan naming alas-sais… sakto pa namang

andun din si Jeremiah, hindi ko na pinauwi si Jeremiah at isinama na namin siya sa lakad namin ni Red – matagal-tagal na rin naman silang hindi nagkita kaya ayos lang na magkakasama kaming tatlo. nag-inuman muna kami sa Videoke Bar na malapit sa bahay namin, kumanta ng tatlong set ng kanta (which means 9 na kanta) at lumaklak rin ng tigatlong bote ng Red Horse na ang tanging pulutan ay isang order ng French Fries.

boys065.jpg

sa simula, eh nakakalimot pa ako sa presensiya ng madla – to the point na naka-holding hands pa kami ni Red, habang nag-kukuwentuhan kaming tatlo – napansin ko na lang na nakahawak pala ako sa kanya nang ngitian ako nung isang waitress.

nang medyo bangenge na kami, saka ko inopen yung topic na tungkol sa personal na buhay ni Jeremiah. kala ko nung una eh i-dedeny ni Jeremiah yung bagay na hindi niya alam na alam na pala namin ni Red, nakakatuwa kasi tinanggap niya naman ng maayos ang katotohanan at hindi ito ikinahiya samin, siguro kasi matagal na rin naman kaming magkaka-tropa – saka namin siya binigyan ng mga komento at mga paalala. nakakaawa naman kasi sila.

matapos ang inuman namin eh pinauwi na namin ni Red si Jeremiah at saka kami tumuloy sa kwarto ko. doon eh nagharutan kami ng todo-todo, as in walang katapusang harutan – kilitian, kagatan, sipaan… etc. hehehe. in short landian hehehe! siyempre mawawala ba naman ang mga pangyayaring “inaasahan” hehehe. at siyempre nag-away na naman kami, pero after 30 minutes eh nakahiga na naman ako sa hita niya at nagkukuwentuhan na naman kaming dalawa. ano ba naman kasi… ganito talaga kami, minsan lang magkita – pero yung mga dapat na nangyayari sa loob ng mga isang buwan eh ginagawa namin nang mabilisan – parang speed dating.

nang pauwi na kami, hinamon ko siya na sabay kaming uuwi – hindi niya ako mahal kapag natakot pa siya sa presence ng ate niya na makikita kami anytime na lumabas ito ng pintuan. hindi naman siya nagdalawang-isip, magkaakbay kaming lumabas, at siyempre super-titig na naman yung mga punyetang tsismosa na dating friendship ng asawa niya nagger. titig na titig sila, yung tipong walang kurap-kurap. dedma lang kami, nag-usap pa sila ng pinsan niyang matangkad, sakto lang ang pangangatawan, may itsura – pero maliit ang nota (hahaha!) dinedma ko naman ang madlang pipol!

naghalikan pa kami bago siya sumakay papuntang baclaran – sa gitna ng kalsada! bwa hahahaha! so wat! “ingat ka!” sabi niya.

Isang Tugon to “bakbakan na naman!”

  1. ganda nmn ng website mo frend!!!

    prinses cleo: ui P. Denz, kamustahin naman ang pagbisita sa aking blog-tsina hahaha! inggitera!

Mag-iwan ng Tugon