kamusta na mga kafateed??? heto na naman ako at mangugulo sa mga nananahimik niyong pagkatao. kamusta naman? ako napakasaya ko kasi… teka maikwento nga.

last saturday (october 6, 2007) alas una ng madaling araw. eh nagkayayaan kami ng mga dabarkads kong mga straight na otoko na mag-inuman sa malapit na KTV kung saan eh naglipana ang mga vampirang belyas. so yun na nga. siyempre palakpakan ang mga sho-o-belles doon nang kumanta na ako ng “Don’t Forget To Remember Me – na isang antique na song na like na like ko, pero that time ko lang si-ning. so yun na nga, natatawa pa ako dun sa isang pamhintang me fezlak naman pero nakakatuwa lang talaga hehehe
biruin mo ba namang akalain niya talagang 100% na otoko-belles ako. super smile talaga siya at super shake hands galore sakin. haiz eniweiz.
matapos kaming mag-inuman, magkantahan at makipagplastikan sa mga audience doon eh umuwi na kami na bangenge na talaga ako. 3am na yun.
pagsilip ko ba naman sa dati kong kuwarto na kasalukuyang pinamumugaran ng mga bagong boarders kasi nga hindi pa naaayos yung dapat eh room nila kaya pansamantalang yung room ko ang gagamitin nila. pagsilip ko eh niyaya agad ako nung dalawang girls na tumagay na tinanggihan ko naman. kasi nga bangenge na ako that time – - – pero biglang napadako ang mata ko sa nakatalikod na otoko-belles sa harapan ko na naka-topless at uber-flawless talaga ang shotawan niya – - – anaknampootah!!! si JANUS! ang long-time crush ko na matagal ko nang pinagpapantasyahan… so binawi ko yung sinabi kong “ayoko na, bangenge nako!” – into – “ano ba iniinom niyo, redhorse lang iniinom ko eh!” kahit obvious naman na redhorse talaga hehe. well hekshuli anuman ang iniinom nila that time eh malamang na sumali pa rin ako dahil makakatabi ko si Janus at maka-kuwentuhan pa.
so nung mauubos na yung iniinom namin eh pinilit ko silang oorder pa ako ng kalahating case kasi nabitin ako (huwaaaaaat???) hindi ko lang malaman kung medyo nahahalata na nila na type ko nga si JANUS dahil kanina ko pa siya tinititigan at ang napakaganda niya shotawan. so bili ako ng half case at pulutan at tuluy-tuloy ang kwentuhan at nomohan-galore. hanggang sa sobrang bangenge na talaga ako at nag-concert na (this is yucky… if u know what i mean!) pero tingin ko naman eh kineri ko naman. so umabot sa super-kakakilig moment na super-hug na ako sa kanya at talagang me picture-taking na nangyari talaga – in fairness palagi ko pa ring pinagpapantasyahan ang mga topless fotoz niya kung saan eh naka-hug ako sa kanya – inadd ko siya sa friendster and i am looking forward na makasama ko ulit siya at maging super-duper-close na kami. hindi ko na siya pakakawalan at mamahalin ko na siya kailanpaman. period.
ang nakakatakot lang ay baka nga naman malaman ni RED kasi nga magka-brod sila sa AKP….


