ang crush kong si Janus (reloaded)
isang napaka-boring na linggo ang nagdaan. at heto na nga ang karugtong ng sequel ng kaisa-isa kong CRUSH FOR ALL SEASONS na si Papa Janus. well eniweiz, una sa lahat eh napakasaya ko as in super-smile ako habang ginagawa ko ang entry ko na itecklavunezz. so here goezzz…

ka-boringan moment na naman ang buhay ko ng maghapon ng saturday. natulog-kumain-nanood ng tv… pero nagbago ang lahat ng maisipan namin ng friendiva kong si P. Denz na mag-inuman, kahit hindi namin kasama ang jowawiz niyang ma-anda ng uber-kajudingan pero mukha namang Pulis pangkalawakan ang drama ng tanderz na si Mario (hindi ito Super Mario) so hindi nga nakapunta si Mario sa supposed-to-be eh nomohan-date-galore niya at ni P. Denz with matching Atashi and company. pero dahil nga sa kasama nya maghapon ang asawa niya at ang mga anak niya eh hindi kami natuloy. so yun na nga! nagkayayaan kami ni P. Denz at isinama naman namin si JANUS at ang asungot na julalay niyang si Igor. napakatagal pang dumating ni Janus dahil nga naligo muna ito at nagpabango, namili ng sosooting damit… etc. nyeta vain kung vain diba.
so after 24 years of waiting eh dumating na sila. nagkakahiyaan pa pero binasag ko ang mga kahihiyan namin dahil nauna na nga kaming nakaubos ng tig-dalawang bote ng Red Horse ni P. Denz makakapal na ang mga fezlak namin. kuwentuhan – bulungan – kantahan – inuman. umikot ang gabi na napakasaya talaga. kahit hindi pa tapos ang inuman eh kinausap ko na ng masinsinan si Janus.
CLEO: ei Janus, sa Tuesday, inuman ulit tayo. kaso pag-uwi ko na – mga 12:00 midnight.
JANUS: oo ba! teka bat naman midnight.
CLEO: eh kasi nga me pasok ako nun at midnight pako makakarating dito.
JANUS: ah okay sige! ano yun magdamagan???
CLEO: oo malamang kasi midnight na magsisimula, malamang madaling-araw na tayo matapos.
JANUS: oo sige. tawagin niyo na lang ako, lagi lang naman akong nasa court eh.
CLEO: talaga. o sige promise mo yan ha!
JANUS: oo promise! pero sana me matutulugan tayo – kasi malamang na masarhan na ako nun (nye nagpaparamdam ang loko!)
CLEO: (nagbibiro) andami namang motel diyan eh.
JANUS: hahaha. ayos ah! pero okay lang.
CLEO: (nandilat) TALAGA!!! oh my God. o sige basta sa Tuesday ha!
JANUS: oo hahaha. okay basta tuesday.
so yun na nga, nai-set namin ang aming kauna-unahang planadong pagkikita. hinihintay ko na lang ang Martes para malaman kung wat na ba ang susunod na kabanata sa tagpong iyon.
but wait there’s more…..
matapos kaming magwala sa Novi’s eh dumiretso naman kami sa bahay namin para ituloy ang nomohan-galore – so yun nga walang katapusang inuman. nasa ilalim kami ng hagdan, kung saan eh merong tambayan talaga. binaba ko yung DVD Player, Speaker at mga MP3 Discs – nagpatugtog kami habang nag-iinuman – GRABE ang mga sumunod na eksena. INAKIT NIYA AKO! sumayaw siya at Potah ang galing-galing niya SOBRA! sumayaw siyang Robot Dance – at Macho Dancer Style na sayaw. habang inaangat-angat niya pa yung shirt niya. NYETA! buti na lang at nakainom ako dahil kung hindi baka kung saan kami pulutin. sumasayaw siya, kagat-labi at nang-aakit ang mga nakatitig niyang mata sa mata ko. PUCHA! ang sarap niyang tingnan – at dahil katapatan ko lang siya ng upuan at mas mataas ang kinauupuan niya eh malayang nakakagalaw ang kamay ko (bwa hahahaha!) matapos ang inuman – talagang niyakap-yakap ko siya at sinalat-salat ang katawan niya. DABEST! mahal ko na nga ata siya hehehe.
hanggang sa panaginip naaalala ko ang mga nangyari.