
halleeeeeeerrrr!!!
it was a very very happy week for me. BAKIT? dahil lumandi na naman ang lola mez. knowsline mo naba kung ano ang minimean ko? hahaha ![]()
here goes…
KURT
Saturday Morning (as in madaling-araw mga 12:30am) pagkagaling ko sa office nagkayayaan na naman kami ng malanditang si P. Denz para mag-nomo sa aming suking Videoke Bar. niyaya na rin namin si ABNER; ang kupal kong ex-bestfriend. siyempre medyo batibot na kami ngayon kaya join na sya sa mga gimik ni Atashi.
kantahan, inuman, kuwentuhan, asaran – matapos ang inuman namen at nakuha na namin ang chit at nakapag-paysung na ako eh biglang me umeksenang silhouette ng isang matipunong guy. hehehe. SI KURT; ang masahistang nagnanais maging macho dancer. kausap niya yung isang waitress na uber-chakaness ang drama. nang i-ask namin yung pukengkang eh say niyang hindi naman daw siya nililigawan ng uber-cute na guy.
ANG NAKARAAN…
nag-iinuman kami nina P. Denz kasama ang “bayawak ni ABNER” na ngayon eh papangalanan ko nang Tikboy, dahil nilibre niya kami that night. eh nakita namin si KURT na may kasamang isang chakaness na guy at isang tandercatz na baddaf na kamukha ni Mario. crushness siya ni P. Denz kaya napilitan akong kausapin siya at kilalanin talaga. at umiral nga ang kalandian ko na pumatok naman sa takilya. at syempre pa. kineri ko.
—–
pagkatapos kong jumingel, ask ko sina P. Denz at Abner. “gusto niyo pa ba uminom?” at syempre tatanggi ba naman ang P. Denz eh naglalaway na siya sa otoko-belles. so order ulit kami, at this point, tinawag ko na sa table namin si KURT, na pinaunlakan naman niya. sa simula, simpleng kuwentuhan – hinihintay niya pala yung manager ng Macho King, dahil ipapasok daw siyang dancer doon. habang wala ang tandercatz eh nilandi ko muna siya, nakalimutan kong para pala siya kay P. Denz. super landi ko grabe.
pero dumating ang tandercatz…
una nagkakailangan kami. para bang kunwari eh hindi kami magkakakilala. pero pagkatapos naman non eh ipinakilala na kami ni KURT sa tandercatz na nakalimutan ko na ang namesung. ayos naman – pamhintang tandercatz na syempre may mga anak na. super bulungan kami dahil nga hindi kami magkarinigan sa mga kantang chaka sa background, kinakailangan naming mag-usap ng mouth to ear talaga. nalaman kong hindi pala niya alaga si KURT, kaya gora na ang beauty mez. nilapirot ko na ang buong pagkatao ni KURT, nag-duet pa kami sa awiting “sinta” ng aegis siyempre siya ang otoko voice at ako ang gurl. nakatingin ang madla, habang feel na feel namin ang duet. nakaakbay pa siya sakin dahil nga share kami sa mic at labi sa labi na ang labanan, mga 1 centimeter na nga lang ang pagitan eh. pero dito ako nabigla. sa sobrang ganda ng voice ko eh nakalimutan niyang boylet ako at kiniss niya ako. kakalokaaaaaaaah! grabe nandilat ang madla lalo na ang P. Denz at ang na-out-of-place kong ex-bestfriend na si Abner, ngayon niya lang kasi na-sight ang kalandian ng ex-bestfriend niya – at take note: sa harap ng maraming tao!
nalaman ko na lang maya-maya. tinabihan ko si Abner, naninibago daw siya saken, eh eto namang Kurt dinikitan na naman ako, at isang duet pa daw. “bakit ngayon ka lang!” potah di ko na kineri. pero sing pa rin ang lola mo. pero napansin kong nagwalk-out na pala si Abner: hindi na niya ata kineri ang kagarapalan ko. heartbroken si P. DEnz, pero sabi ko – marami pang mga araw.


