sobra na ata ako!

the past few days…

masyado na ata talaga akong nagwawala. ngayon ko lang na-realize na sunosobra na ata talaga ako sa mga pinaggagagawa ko at pati ang sarili ko ay hindi ko na talaga makontrol.

ngayon ko napagtanto ang lahat. isa lang ang mahal ko this time, after all these years ng pagsasama namin, pagkakalayo – si RED pa rin talaga. siguro napakagago ko talaga that time. at alam ko na rin ngayon na ako nga pala talaga ang may kasalanan kung bakit nahihirapan kami ngayon sa sitwasyon namin. ako ang nagpagulo sa lahat.

marami-rami na rin naman akong mga bagong nakilala, nakapasok na ako sa mga lugar na pinupuntahan ng mga kagaya kong nagtatago sa dilim. masyado akong naging miserable sa paghahanap ng “TRUE LOVE” nakkkssss. hindi ko pala makikita iyon doon. hindi pa rin nila mapapantayan si RED.

bata pa lang kami, magkasama na kami. kaming dalawa ang nag-explore ng mga interesanteng bagay sa buhay… nahulog ako sa kanya. tumagal ito ng ilang taon, hanggang sa ngayon na magkalayo man kami, hindi pa rin siya nakakalimot sakin at paminsan-minsan pa rin kaming nagkikita. kung kailan, pinagsasaluhan namin ang mga NAKAW na mga sandali. So what? pareho naman naming ginugusto ang mga nangyayari – walang sinuman ang makakapagpahiwalay samin kundi kami mismo, wala nang iba. hindi ang pagkakaroon niya ng asawa’t mga anak, hindi ang utos ng mga magulang at pamilya niya, hindi ang distance between us, hindi ang panahon, hindi ang anupaman, tanging KAMI lang ang makakapagdesisyon kung tatapusin na ba namin ang lahat. sa ngayon malabo yon.

hindi na ba ako makapaghintay ng susunod na pagdating niya at sinasayang ko ang lahat at patuloy kong dinudungisan ang pagkatao ko. tinatanggal ang hiya at lalo pang pinakakapal ang pagmumukha, just to meet other people? mali ang ginagawa ko at pinagsisisihan ko na ang lahat ng iyon, lalo pa ang pagdalaw sa mga gaybar at pakikipagmabutihan sa mga lecheng macho dancers. sobra na ata ako, lumagpas ako sa limit ko bilang tao.

ako ang may kasalanan ng lahat at ako dapat ang magdusa, hindi si RED. hihintayin ko ang pagbabalik niya, saka ako magdedesisyon ng dapat…

Mag-iwan ng Tugon